Niligawan ng dating may-ari? Bagong biling mansion ni Pacman kay Ruffa raw sana mapupunta!
Jun Nardo (Pang-masa) - March 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nakapunta na sina Tita Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa bagong mansion na kabibili lang ni Manny Pacquiao. Nasa itaas daw ito ng bundok at grabe ang laki nito.

Ayon kay Tita Annabelle nang makatsikahan namin sa Wednesday Club, Hadid lang ang alam niyang apelyido ng mayamang may-ari nito. Ilang beses silang naimbitahan ni Ruffa sa mansion dahil dumidiskarte ang mayaman sa anak.

“Day, ang laki ng spa! Pang-fifty katao. Gina­gamit daw nila ‘yon ‘pag may party. Nakakapagod at hindi mo malilibot sa isang araw ang mansion!” sabi ni Tita Annabelle.

‘Yun nga lang, hindi pinatos ni Ruffa si Hadid kahit super yaman nito. May sarili siyang dahilan kaya naintindihan naman ‘yon ng ina.

“Alam mo naman ako, ang magandang future ng anak ko ang concern ko! Hindi mo ako masisisi kung magustuhan ko siya para kay Ruffa. Ayaw nga lang ng anak ko kaya wala ring magawa ang byuti ko! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Tita Annabelle.

Anyway, masasaksihan naman ang away-bati ng mag-ina sa third season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez na on-going na ang taping. Siyempre, si Tita A pa rin ang nasusunod sa lahat ng mga anak sa regulasyon niyang, “No work, no pay!”

“Siyempre ‘yung mas masipag at maraming dayalog, maraming pay!” diin ni Tita.

Iba na rin ang director ng ITGTBAG 3 kaya naman panibagong pakikisama na naman ang gagawin niya. “Naku, ang daming requests na ilaw! Mura nga ang bayad ng ilang staff pero ‘yung mga ilaw na gusto, nanlalaki ang mata ko sa mahal!” saad pa ng ina ng mga Gutierrez na hindi naman matanggihan ang hiling ng director mula sa NBC TV, huh!

Parang si Zayn sa 1D, Joey Generoso iniwan na rin ang Side A

Malulungkot tiyak sina Lorin at Venice Bektas sa pagbabu ni Zayn Malik ng sikat na boy band na One Direction. Naglabasan kasi ang balita kahapon na iniwan na nga ni Zayn ang grupong 1D. Hindi na nga nakasipot si Zayn sa concert ng grupo sa Manila last weekend, lumayas pa ito sa nagpasikat sa kanya, huh!

Pero sa local scene, tiyak na marami rin ang nalungkot sa pagbabu naman ni Joey Generoso sa grupong Side A. Matapos ang ilang taon na pagi­ging bokalista ng grupo, goodbye na si Joey at magso-solo na sa career!

Parang masyadong late naman ang pagsu-solo ni Joey, huh! Noon pa sana niya ginawa ang paglayas sa grupo nu’ng kasikatan nito. Eh ngayong ang sampu-sampera na ang mga singers nawa’y may mapuwes­tuhan pa si Joey, huh!

Pero hindi buking ang pinatos Aktor nagpahada rin sa bading nang lumamya ang career!

Pumatol din daw pala sa bading ang isang hindi na masyadong young actor ngayon. Pero ang pinatulan niyang bading ay hindi buking na buking kundi paminta (pa-mhin)!

Pero kung makaasta ang not so young actor ay para bang wala siyang karanasan sa bading, huh! ‘Yun pala, nu’ng time na lumamya ang career niya saka pinatos ang pamintang bading na kahit magsama sila sa labas ay hindi buking na bading ang kasama.

Eh ngayong may sigla na uli ang career ng aktor, tigil na raw siya sa pagpapatikim ng kanyang kapirasong “karne,” huh!

JOEY GENEROSO NAMAN PERO RUFFA SIDE A TITA ANNABELLE ZAYN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with