May OA at nagpakamatay pa raw! Pamamaalam ni Zayn sa One Direction iniyakan at ipinagluksa ng fans

Brokenhearted ang fans ni Zayn Malik dahil nag-confirm sa kanilang Facebook page na kumalas na siya sa grupo ng One Direction. Gusto na raw kasi ni Zayn na magkaroon ng normal na buhay kaya nag-quit na siya sa British boy band.

Malungkot si Simon Cowell, ang naka-discover ng One Direction sa desis­yon ni Zayn, pero proud ang British adviser dahil sa loob ng five years ay nakita niya kung paano nag-grow at na-develop ang confidence nito sa grupo.

Nalulungkot din ang ibang members na sina Louis Tomlinson, Liam Payne, Niall Horan, at Harry Styles, pero nirerespeto nila ang desisyon ni Zayn at forever daw ang kanilang friendship kahit wala na siya sa grupo.

OA naman ang ibang fans dahil may nagsabing meron na raw nag-suicide sa pag-quit lang ni Zayn.

Pero meron pa rin nananalig na babalik si Zayn sa grupo dahil may time na hindi ito naging active sa Twitter account ng 1D, subalit bumalik din sa pakikipaghuntahan sa fans. 

Show comments