Coco at Toni parehong hirap makatrabaho ang isa’t isa!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - March 21, 2015 - 12:00am

Ayon kina Coco Martin at Toni Gonzaga, marami silang natutunan sa isa’t isa habang ginagawa ang pelikulang You’re My Boss.

As we all know ay magkaiba ng forte at estilo nina Toni and Coco. Ang una ay sa hosting at come­dy at ang huli naman ay sa drama. At dito sila nagkatulungan while doing You’re My Boss.

Sa husay na aktor na ‘yan ni Coco, aminado siyang hindi siya marunong magpatawa kaya sobrang thankful siya kay Toni for guiding him.

“Honestly, ngayon ko lang sasabihin, sobrang hirap na hirap ako sa pelikulang ito,” say ni Coco, “kasi sobrang bago siya sa akin, eh, sobrang bago ‘yung genre niya sa akin. Sabi ko nga kay direk (Antoinette Jadaone), “Direk, alam n’yo, isang beses n’yo pa lang  akong nagu-good take, kasi laging 6 takes, 5 takes, ganyan.

 “Ang una kong na-experience sa kanya na 1 take lang ‘yung klinose-up ‘yung kamay ko,” natatawang sabi ng aktor.

Isa pang inamin ni Coco, hindi siya magaling magsalita ng English. Eh ang dami niyang English lines sa pelikula and again, sa parteng ito ay natulu­ngan din siya ni Toni.

“Hindi naman kasi ako magaling sa English, and then, minsan, pag mahaba ang lines ko, hindi ko siya mamemorya. Sabi ko nga, “direk, ito yata pinakamahirap na eksena ko, ang magsalita ng English, ah.” Kasi nga, nahihirapan akong sabihin siya nang tama.

“And then, si Toni, kino-coach niya ako. Habang umaarte ako, binubulong niya sa akin (ang dialogue). Tapos ie-echo ko na lang,” natatawang kwento ni Coco.

Nakita pa raw sa camera na gumagalaw ang bibig niya sa kako-coach niya kaya nag-cut si Direk Tonette at inulit ang scene.

Si Toni naman, noon pa naman ay inaamin niyang hirap siya sa mga crying scenes at sa eksenang madadrama.

Kaya ang natutunan daw niya kay Coco ay “hugot”.

“Sa totoong buhay kasi ay masayahin ako, sinabi ko rin kay Coco, hirap akong umiyak, hirap talaga ako ‘yung huhugot. Kasi nga, wala naman akong huhugutan.

“Pinalaki kasi kami ng mommy at daddy na hindi nagse-self pity, na kapag may masamang nangyari sa buhay mo, move on, move on. Hindi nagli-linger sa pain.

“Eh sa pag-aartista at sa pagiging dramatic actress, dapat pala ninu-nurture mo ‘yun kasi du’n ka humuhugot ng mga bubog. So, hirap na hirap ako.

“Saka pinalaki ako na huwag umiyak. Pag pinapalo kami, pag umiyak, lalong papaluin. Sabi ko, ‘pano ba ‘to?’ Pero si Coco, ‘yun ‘yung nakita ko sa kanya, pag tiningnan mo pa lang siya sa mata, may karga na siya. So do’n, nagkakatulong kami.

“Actually, sa mga eksena naman ‘di ba, kung ano ang ibinibigay ng kasama mo, ‘yun ang nare-reciprocate mo, so talagang it’s a team, it’s collaboration, ‘yung sa amin. It’s a good working relationship,” say pa ni Toni.

Aminado rin ang TV host/actress na nasa bucket list daw niya talaga na makasama si Coco bago man lang daw siya mag-asawa.

“Nasa check list ko si Coco, eh. Siya ‘yung huli kong nasa check list bago ako mag-asawa. Sabi ko, ‘pag nakatrabaho ko na ‘to, okay na, sabi ko, quota na. Pasok sa quota. Ayun naman po, natupad, nakuha sa dasal,” sabi ni Toni.

Showing na sa April 4, Black Saturday ang You’re My Boss.

Arjo naghihintay pa rin kay Alex

Aliw na aliw si Sylvia Sanchez kay Alonzo Muhlach sa Inday Bote. Pinapanood daw niya ang nasabing serye na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga at talagang tawa raw siya nang tawa sa anak ni Niño Muhlach.

“Ang cute-cute niya, ang galing-galing niya, nakuha niya talaga ang husay at kakyutan ng kanyang ama noong bata, baka nga mahigitan pa niya,” kwento ni Sylvia nang makatsikahan namin sa wake ng kapatid ni katotong Jobert Sucaldito.

Tandang-tanda niya ang mga eksena ni Alonzo at detalyado niya itong ikinuwento habang tawa nang tawa.

Say pa ng ina ni Arjo Atayde, sigurado raw siyang sisikat si Alonzo at maraming patataubing child stars sa showbiz.

Dahil nga si Alex ang bida sa Inday Bote, natanong namin kung kumusta na ang panliligaw ng anak niyang si Arjo sa young actress.

“Andiyan lang siya, naghihintay lang siya,” say ni Sylvia.

AKO COCO INDAY BOTE MY BOSS NIYA SABI SIYA TONI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with