Alden umaming hindi tigang kahit walang GF!

MANILA, Philippines – Nganga muna si Alden Richards sa regular series sa GMA. Tanging Sunday All Stars muna ang ginagawa niya, provincial shows at ang gagawing show sa Vancouver, Canada sa April. First time niyang mapupuntahan ang lugar kasama sina Marian Rivera, Jonalyn Viray, at iba pa.

Inaayos na rin niya ang blessing ng bagong bahay na nabili at waiting sa gagawin na movie kasama ang isang hindi Kapuso actress. Pero kung sakaling si Louise de los Reyes ang makakapareha niya, eh wala namang issue sa kanya ang dating ka-loveteam.

Eh, si Empress Shuck na ang sabi gusto siyang makasama, keri rin ba niya?

“Bakit hindi? Cool lang naman ‘yon dahil hindi pa naman kami nagkakasama,” sambit ni Alden nang sandali naming nakatsikahan sa GMA.

Kumusta naman si Aljur (Abrenica) na nasa SAS na rin ngayon?

“Okey lang naman. Walang problema,” tugon agad ni Alden.

Pero pagdating sa girlfriend, bokya pa rin si Alden. Lagi na lang ba siyang self-service? Ibubuhos ba niya ang pagiging tigang niya sa Canada?

“Tito naman! Ha! Ha! Ha! Meron naman. Nakakasingit naman paminsan-minsan! Ha! Ha! Ha!” sagot naman sa amin ng actor.

Max gusto pang magpalaki ng boobs

Biglaan lang ang pagtanggap ni Max Collins para mag-cover sa nakaraang isyu ng FHM. Apat na taon din siyang niligawan upang ilantad ang alindog sa panlala­king magazine. Pero isang linggo matapos makausap ay agad na siyang isinalang sa pictorial, huh!

Ayon kay Max nang ipakausap sa press ng GMA Artist Center, masyado raw boring ang tingin niya sa sarili kaya pumayag na rin siya.

“So kailangan, may something different. So naisip ko this year, dapat, mas ready ako for new challenges and new things. Tulad ng pagpu-pose ko sa FHM,” rason ni Max.

One week lang ang preparasyon niya at shoot agad ang kasunod.

“Walang preparation,” sey niya.

Ano ang naka-convince sa kanya?

“They listened to me. Pinakinggan nila ang gusto ko. I want it more classic. Tsinek ko naman lahat ang damit na ga­gamitin ko.

“Eh, ayoko ring magkaroon ng doubts kasi alam kong big step ‘yung gagawin ko. Makikita rin kung hindi ako komportable. At that time, I guess I was ready talaga to be mature,” katwiran ng aktres.

Sabi pa ni Max, umiral lang sa kanya ‘yung, “Just do it! Go for it! Bahala na lang! Ha! Ha! Ha!”

Baka dahil doon, hindi na magdalawang-isip si Geoff Eigenmann na kasama niya sa Kailan Ba Tama ang Mali?  na magustuhan siya, huh!

“Matagal na naman kaming magkaibigan ni Geoff pero wala naman ‘yung something sa amin,” saad ng aktres.

Size 34 ang boobs ni Max. Hindi ba niya naisip magpalaki ng boobs upang lalong duma­mi ang pumapantasya sa kanya?

“Wala po akong time kasi isang lingo lang ang preparation. Payag naman po ako pero malaki po ako sa screen so ‘pag nagpalagay ako, malaki po akong tingnan!

“Maliit lang puwede pero hindi naman ganoon kalaki ang diference so hindi ko alam kung makakatulong din sa akin. Baka magmukha akong malaki sa TV!” katwiran ni Max.

Hindi siya takot magpadagdag ng boobs?

“Hindi naman!” tugon ng aktres.

Show comments