Vice Ganda Kalokalike ikatlong Ultimate Kalokalike Winner

MANILA, Philippines – Panalo bilang ikatlong Ultimate Kalokalike ng It’s Showtime si Daniel A­liermo, ang Kalokalike ng host na si Vice Ganda para sa kanyang pambihirang pagkakahawig at panggagaya sa unkabogable comedian sa Ultimate Showdown ng noontime show noong Sabado (Marso 14).

Early favorite na ang Kalokalike ng Davao City mula noong sumabak ito sa kumpetisyon noong Pebrero dahil kuhang-kuha nito ang mukha, galaw, at ma­ging boses sa pagkanta ni Vice. Bilang Ultimate Kalokalike, nag-uwi si Daniel ng P300,000 at artista package.

Pinangalanan namang first runner-up ang Katy Perry Kalokalike na si Melody Esther Loren Hodgson na nagpasiklab sa talent portion na hango sa makikislap na performances ng Firework singer, habang second runner-up naman ang Bruce Lee Kalokalike na si Jay Mago, na bukod sa kawahig na ang action star ay nagpamalas pa ng martial arts moves. Nag-uwi sila ng P200,000 at P100,000 bilang premyo.

Ang Vice Ganda Kalokalike na si Daniel ang ikatlong Kalokalike ng kumpetisyon, sunod sa grand winners ng nakaraang mga edisyon, ang Nicki Minaj Kalokalike na si Jennifer Catayong at ang Christopher de Leon Kalokalike na si Jonathan Garcia.

Samantala, huwag palampasin sa Lunes (Marso 16) ang pagsisimula ng bago na namang edisyon ng Mini Me tampok ang mga chikiting na mini versions ng kanilang mga idolo.

Show comments