Jolo hindi na kinaya ang mga pasanin sa buhay?!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 2, 2015 - 12:00am

Umagaw ng headlines ang nangyari kay Jolo Revilla. Ang latest na narinig namin, kailangan siyang operahan para maalis ang bala sa kanyang dibdib. Sa kanilang official statement, naglilinis si Jolo ng kanyang baril nang aksidenteng mabaril ang kanyang sarili. Pero may lumalabas na ibang tsismis, na baka raw suicide iyon dahil depressed nga si Jolo dahil sa nangyayari sa kanyang amang si Senador Bong Revilla, lalo na nang mabalitang ipinalilipat iyon sa city jail.

Isa pa, kung nililinis ang baril, lalo na sa kasong iyon, hindi ba inaalis muna ang lahat ng bala? Posibleng nang alisin ang magazine ng bala ay may naiwan sa barrel kaya kailangan tinitingnan din ang magazine at hindi basta inaalis lang.

Ang isa pang tanong namin, bakit si Jolo ang naglilinis ng kanyang baril samantalang maaari naman niyang ipalinis iyon sa mga mas sanay na gumawa noon? Mara­ming questions, pero maliwanag na self-inflicted iyon. Wala namang sangkot na ibang tao at kung anuman ang totoong da­hilan, at saka na natin alamin kung ano talaga.

Isipin na lang ni Jolo na kaila­ngang maging maingat naman siya sa kanyang gi­na­gawa. Una, may pananagutan siya da­hil may anak na siya. Sa takbo rin ng sit­wasyon, ngayong nakakulong ang tatay niya, hindi man siya ang pinakamatanda ay siya ang kinikilalang padre de familia dahil sa kanyang posisyon, vice governor siya ng lalawigan.

Marian nag-ala Marimar sa launching ng Inner Beauty

May apat na bagong scents na ini-lauch ang Bench noong isang araw, iyong Perfect Kiss, Perfect Moment, Perfect Love at saka iyong Inner Beauty. Ang kanilang endorser this time ay si Marian Rivera.

As expected, sumayaw si Marian na parang si Marimar. Doon kasi siya nakilala eh. Marami na siyang nagawang ibang role pero ang tingin pa rin ng tao sa kanya, si Marimar. Siguro dahil na rin iyan sa kasikatan ni Marimar, isang character sa isang Mexican telenovela na unang ginampanan ng sumikat ding Mexican star na si Thalia. Dahil sa kasikatan ng Marimar, natangay din sa kasikatan si Marian noong i-launch siya ng GMA-7 matapos umalis sa kanila ni Angel Locsin.

Pero napansin namin, mukhang iba talaga ang crowd lalo na doon sa mga malls na medyo upscale. Nagsimula kasi sila sa isang flamenco dance, at sa kalagitnaan ng sayaw ay biglang lumalabas ang mga male models na pinangungunahan ni John Spainhour. Doon nagsimula ang mas malakas na tilian ng fans.

Well, anuman ang sabihin nila, ang mahalaga naman para sa Bench ay mapansin ang kanilang bagong scent, at kung pupunta ka naman sa kanilang shops, ang dami nilang iba’t ibang scent.

Iyang scents na iyan na ipinapa-endorso nila sa mga artista, magandang popularity gauge din naman iyan. Kasi makikita mo kung sino ang talagang sikat.

Malakas ang benta ng mga scents na nakapangalan sa kanila. Basta iyong scent ay nawala agad sa shelves, ibig sabihin pull out na iyon. Hindi na nabibili at abangan ninyo tiyak na sa susunod, nasa sale items na iyon. Pero pareho lang ang quality. Isa lang naman ang manufacturer. Ngayon, bantayan din ninyo, ang nabibili ba ay iyong nasa crystal bottle na mas mahal, o iyong nasa plastic lang na mas mura?

ANGEL LOCSIN INNER BEAUTY ISA IYON JOHN SPAINHOUR JOLO MARIMAR PERO SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with