^

Kahit sobrang mahal ng tickets: Bugbugan nina Pacman at Mayweather sold out na agad!

Jun Lalin (Pang-masa) - February 27, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Dahil sobrang mahal ng tickets at halos wala nang mabili, maraming celebrities ang hindi na umaasang makakapanood ng Manny Pacquiao-Floyd Mayweather, Jr. boxing fight sa May 2 sa Las Vegas, Nevada.

May iba pala na pati si Sarangani Vice Go­vernor Jinkee Pacquiao ay nilapitan na rin para makapanood ng sinasa­bing boxing fight of the century, pero hindi na rin umaasa dahil parang negative ang sagot ng misis ni Manny.

Sabi raw kasi ni Jinkee, ang mahal ng tickets para sa nasabing fight, na hindi man daw deretsahang tumanggi ay parang ganoon na rin daw ang dating.

Pati si former Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na kilalang malapit kay Manny at maraming binibigyan ng tickets sa tuwing may boxing fight ang kaibigan ay tumatanggi na rin daw sa mga nanghihingi para sa Pacquiao-Mayweather fight.

Ang ibang mga kaibigan nga raw ni Manong Chavit na nagtatanong, sinasabihan na nito na mahirap talaga ang tickets para sa Pacquiao-Mayweather fight.

May ibang celebrities nga na nagbabalak na magkaroon na lang ng special viewing party para sa nasabing boxing fight dahil hindi na sila umaasang makakapasok sa bakbakan ng dalawang sikat na boksingero.

Ruffa ibabalandra ang magandang kutis sa SM MOA

Pupunta si Ruffa Gutierrez mamayang 5:00 p.m. sa Watsons SM MOA.

May special store visit si Ruffa para sa ine­endorsong produkto na CosmoSkin Collagen.

Isang taon nang endorser ng CosmoSkin si Ruffa at next week, magre-renew na siya ng kontrata.

Hunk actor ibinunyag na relihiyon ang rason sa hiwalayan nila ng beauty queen

Nagsasalita na ang isang hunk tungkol sa dahilan ng break-up nila ng isang beauty queen na na-link sa kanya.

Ang magkaibang religion daw nila ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Last year, nang makausap ko ang hunk actor, sinabi niya sa akin na hindi pa naman sila hiwalay talaga at hindi lang nila masyadong mailantad ang kanilang relasyon ng nasa­bing beauty queen dahil magkaiba nga sila ng religion.

Hindi ko lang alam kung this time ay totoo na ang hiwalayan nila dahil nagsasalita na si hunk actor tungkol doon.

 Pokwang gustong ipatanggal ang nag-bash kay Piolo

Pagkatapos ma-bash ni Piolo Pascual sa isang post ni Pokwang sa Instagram account ng comedienne ay magkakasama silang dalawa sa isang show sa Detroit, Michigan sa March 27.

Papa P Meets Mamang Pokwang ang titulo ng kanilang show.

Labis na ikinagalit ni Pokwang ang pamba-bash kay Piolo sa naturang post sa IG.

Pinakiusapan ni Pokwang ang isa niyang follower na nakakakilala sa naturang basher na ireklamo ito sa hotel na kanyang pinagta­trabahuhan.

CHAVIT SINGSON FIGHT ILOCOS SUR GOV JINKEE PACQUIAO LAS VEGAS POKWANG RUFFA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with