Mga Pinoy hindi pa rin natuto, tone-toneladang basura ang iniwan nang makinig sa misa ng Santo Papa

Tone-tonelada na basura ang iniwan sa Luneta Park ng mga dumalo sa misa ni Pope Francis noong Linggo.

Ang akala ko pa naman, pinairal ng mga kababayan natin ang disiplina sa pamamagitan ng pagtatapon ng kanilang mga kalat sa mga basurahan pero hindi pala. Ipinaubaya na naman nila sa mga street cleaner ang mga kalat nila.

Malakas ang ulan noong Linggo. Isipin n’yo na lang kung maaliwalas ang panahon ng araw na ‘yon, baka hindi lamang anim o pitong milyon ang bilang ng mga tao na sumugod sa Luneta at tiyak na mas marami ang nakakalat na basura.

Nude photos kumakalat, pati anak idinamay na Marlene tinitira pa rin ng netizens dahil sa pambabastos kay Pope Francis

May hangover pa ang mga Pilipino kay Pope Francis. Feel na feel pa rin nila ang Popemania.

Hindi nagpahuli ang mga taga-showbiz dahil si Pope Francis ang pinagkukuwentuhan ng mga artista.

Nagkaroon ng guesting si Erik Santos sa It’s Showtime noong Lunes dahil sa pagkanta niya ng Responsorial Psalm sa Luneta mass ni Pope Francis.

May LSS na ang kanta ni Jamie Rivera na We Are All God’s Children dahil paulit-ulit na naririnig ito sa radio at TV. Pati ang mga maliliit na bata, kinakanta ang original composition ng Inspirational Diva.

May libreng mga publicity at most hated woman si Marlene Aguilar, ang kapatid ni Freddie Aguilar dahil sa pang-iinsulto niya sa Santo Papa.

Nakabalik na ang Papa sa Roma pero iniinsulto pa rin si Marlene na nagpapanggap na hindi affected ng mga below-the-belt na banat sa kanya at sa mga anak niya.

Hindi ako naniniwala na hindi nasasaktan si Marlene sa mga batikos sa pamilya niya, lalo na sa kanyang anak na si Jason Ivler. Walang ina na hindi apektado kapag ang anak niya ang sentro ng mga paninira at proven na ito ni Kris Aquino.

Pinalalakas lamang ni Marlene ang kalooban dahil alam niya na lilipas din ang mga batikos laban sa kanya. Imposibleng hindi mapagod ang mga tao na aligaga sa paninira sa kanya at pagkakalat ng nude photos niya. Ganyan katindi ang detractors ni Marlene dahil lahat ng mga sikreto niya, inaalam at nalalaman nila.

Ka Freddie hina-hunting na rin

Dahil kapatid si Marlene ng sikat na folk si­nger, gustong malaman ng publiko ang reaksyon ni Freddie Aguilar sa bagong kontrobersya na pinasok ng kanyang outspoken sister.

Hindi nawawalan ng isyu si Marlene dahil kasali rin siya sa malaking kontro­bersya ng pag-aaway noon ni Ka Freddie at ng anak nito na si Maegan.

Knowing Ka Freddie, magiging safe siya sa pagbibigay ng sagot. Sa tagal niya sa entertainment business, alam na alam na rin ni Ka Freddie na sandali lamang at hindi forever na pagpipistahan ng mga tao ang mga eskandalo na kinasasangkutan ng mga member ng kanyang pamilya.

Carla, Kara, at Linda binubuntutan pa rin si Pope

Kasama ni Pope Francis na bumalik sa Rome ang mga TV reporter na sina Carla Lim, Kara David, at Linda Jumilla.

Kahit nasa Pilipinas na sila para sa 5-day visit ni Pope Francis, nag-babu pa rin sa Maynila ang tatlong reporter at ang kanilang mga cameraman.

Nagsimula ang coverage nila sa Asian trip ng Santo Papa sa Rome kaya dito rin dapat matapos ang mga tungkulin nila bilang official representative ng kanilang mga TV network na pinaglilingkuran.

Kasama sila sa lahat ng mga lugar na pinuntahan ng Santo Papa, pero walang pagod na nararamdaman sina Linda, Carla at Kara dahil sa kanilang once in a lifetime experience na hinding-hindi nila ma­lilimutan.

Show comments