Tagumpay sa pagpapapansin: Janet Napoles pinagkaguluhan sa suot na yellow shirt na may litrato ni Pope Francis

O ‘di ba, may sariling moment si Janet Napoles sa bail hearing niya kahapon sa Sandiganbayan?

 Parang artista na pinagkaguluhan si Mama Jenny ng mga reporter dahil nakaw-eksena ang dilaw na T-shirt na suot niya na may picture ni Pope Francis.

Feeling ko, may nais ipahiwatig si Mama Jenny dahil associated ang yellow color sa administrasyon ni P-Noy. Kung anuman ‘yon, tanging siya lamang ang nakakaalam.

Pinatulan ng media ang outfit ni Mama Jenny dahil may-I-ask sila ng message ng businesswoman tungkol sa Papal Visit ng Santo Papa.

Ang sagot ni Mama Jenny, maging ligtas si Pope Francis sa arrival at departure nito sa Pilipinas. Maghatid din ng kapayapaan ang pagdalaw ng Santo Papa sa ating bansa.

Masungit na panahon walang magiging epekto sa sked ng mahal na Santo Papa

Umulan kahapon sa Metro Manila kaya nag-worry ang lahat dahil posible na maging masungit ang panahon sa limang araw na pananatili ni Pope Francis sa Pilipinas.

Isang himala ang kailangan para hindi matuloy ang bagyo na nagbabanta sa Eastern Visayas na pupuntahan sa Sabado ni Pope Francis.

Sinabi naman ni Luis Antonio Cardinal Tagle na rain or shine, walang magbabago sa schedule ni Pope Francis. Tuloy na tuloy ang misa niya sa Manila Cathedral, ang kanyang pagdalaw sa UST at pagbisita sa Leyte para magdaos ng misa para sa mga biktima ng Typhoon Yolanda.

Cristine naging madrama nang mabuntis, panay na rin ang ‘english’

Hindi lang pala ako ang nakapansin na magkamukha si Cristine Reyes at ang kanyang boyfriend na si Ali Kathibi.

No wonder, nagkagustuhan sila at magiging magulang na ngayong 2015.

Obvious na malaki ang impluwensya ni Ali kay Cristine. Marami ang nagugulat dahil instant Inglesera na si Cristine at ebidensya ang mga post niya tungkol sa relasyon nila ng kanyang dyowa.

Katulad kahapon, may-I-post ni Cristine ang picture nila ni Ali. Ipinakita niya ang kanyang tiyan na malaki na at ang washboard abs ni Ali na may pralala na   “I had prayed for months about our relationship. There were a lot of “what if’s” going on inside my head. In the end, I made the decision to step out in faith.

“I don’t know all the answers, but we have God. And we certainly going to have a lot of learnings to do. Like many, we entered in this relationship with a lot of habits, secrets, and preconceptions that could have killed us. 

“We often practiced the art of “silent treatment” rather than dealing with the issue kindly and honestly. Too afraid of the conflict and exposure it would take to resolve it.

“But as we face the reality, we realize the importance of each other. Why we started and the life we’re building together for our future family! Above everything. The LOVE. We should always remember the seeds that planted us together. FOREVER.”

In love na in love sina Ali at Cristine sa isa’t isa. Mag-expect tayo na may mga kasunod pa ang mga English post ni Cristine tungkol sa love affair nila ni Ali.

Show comments