LJ hiyang na hiyang sa pagiging misis

Matagal nang maganda si LJ Mo­reno. Nakita ko siya minsan sa studio ng TV5 at lalong gumanda ang asawa ni Jimmy Alapag. Hiyang si­guro ito sa pag-aasawa kaya’t napanatili nito ang ganda. Isa si LJ sa host ng bagong programa ng TV5 na Happy Wife, Happy Life. Makakasama niya rito sina Danica Sotto, RR Enriquez, at Jeck Maierhofer.

Marami pa kasing tutulungan Kuya Germs siguradong hindi pababayaan ng Panginoon

Over fatigue si Kuya Germs sa trabaho kaya bumigay ang katawan nito ilang linggo na ang nakalilipas. Sa party nga ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para siyang si Santa Claus na namudmod ng anda. Take note, hindi ‘yan nagtse-tseke, kasi ‘pag tumulong ito sa tao, gusto niyang magagamit kaagad ang kanyang ‘regalo’. Bukal sa loob ang pagtulong ng Master Showman. Kahit hindi Pasko namumudmod ito ng salapi. Kaya naman pinagpapala talaga ng Diyos ang mga tulad ni Kuya Germs na mapagbigay. Sa Christmas Party ng PMPC, nagpa-raffle pa siya ng datung at LED TVs. After ng nangyari sa kanya two weeks ago, ngayon ay going to full recovery na ang Master Showman. Siyempre hindi pababayaan ni God, the Divine Healer si Kuya Germs dahil marami pa siyang gagawing misyon. Rest ka muna Kuya Germs. This time, matulog ka na muna. God is good.

Taos puso po akong nakikiramay

Condolences to katotong Vero Samio sa pagyao ng kanyang kapatid na si Virgilio Bebot Rodriguez. Nakikiramay din ako sa naiwanan niyang asawa na si Josie Rodriguez, mga anak, at apo. Ganoon din sa pamilya Villareal ng Bolinao, Pangasinan kay Inay Rosing, mga anak, at manugang, sa pagyao ni Primo Villareal. Eternal rest grant onto them, Lord God!

 

Show comments