Jennylyn nagre-reyna sa Kapuso
Vir Gonzales (Pang-masa) - January 8, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tipong si Jennylyn Mercado ang nagrereyna ngayon sa GMA 7 magbuhat noong manalo ito ng Best Actress award sa Metro Manila Film Festival (MMFF). May teleserye siya ngayon sa Kapuso na Second Chances.

Dati parang pulutpukyutang pinag-aagawan pelikula ni ER masaklap ang naging kapalaran

Nakaka-disappoint naman ang naging resulta ng pelikulang Muslim Magnum .357 ni ER Ejercito. Hindi akalain ng marami na mangulelat ito sa takilya.

Last year, bongga ang pag-iingay ng movie niyang Boy Golden, Shoot to Kill. Nanalo pa nga siya ng best actor award. Tinalo pa siya ng Maratabat, na entry sa New Wave category ng parehong filmfest na tungkol din sa mga Muslim. Best supporting actor pa rito si Ping Medina. Dati rati, para siyang pulut-pukyutang pinagkakaguluhan.

Well, what else is new sa showbiz?

Bianca may kakulitan din

Tiyak na mamahalin ni Miguel Tanfelix si Bianca Umali na kanyang kapareha sa Once Upon a Kiss ng GMA. Bukod sa maganda, mabait daw, kahit nga sabihing makulit ito. Laki pala sa lola si Bianca at wala nang mga magulang.

Sayang, hindi na nila masaksihan, ang su­werte ng nag-iisa nilang anak.

BEST ACTRESS BIANCA BIANCA UMALI BOY GOLDEN DATI JENNYLYN MERCADO METRO MANILA FILM FESTIVAL MIGUEL TANFELIX MUSLIM MAGNUM NEW WAVE ONCE UPON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with