JC nagsisising hindi agad niligawan noon si LJ
Roland Lerum (Pang-masa) - December 19, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Crush na crush palang talaga ni JC de Vera si LJ Reyes.  Wala siyang pakialam kung may anak ito at nasimsim na ni Paolo Avelino.  Basta mahal daw niya ang isang babae, kahit ano pa ang pinagdaanan nito, sugod siya.

“Matagal ko nang kakilala si LJ, noong pareho pa kaming baguhan sa Siyete!  Ewan ko ba kung bakit hindi ko pa siya pinormahan noon pa, naging friends lang kami pero ngayon, mas lantad na ako ng pagsasa­bing mahal ko siya bilang kaibigan.  Pero dahil wala pa kami sa stage na kami na nga, hanggang friendship na lang muna.  Kasundo ko rin ang anak niyang si Aki.”

May plano ba siyang magpaalam kay Paolo kung sakaling mapunta na silang dalawa sa mas mariing relasyon?  “Out of courtesy or respect, kailangan siguro.  Naging sila noon, e, nagkaanak pa, di ba?” sabi ng isa sa mga bida sa Shake, Rattle and Roll XV.

Mulat actress na si Loren Burgos nagpakitang-gilas

Successful ang premiere night ng pelikulang Mulat sa direksyon ni Diane Ventura. Sa rami nang nanood sa Glorietta 4, Cinema 1, mapi-feel mo na nagustuhan ng audience ang pelikula dahil sa masigabong palakpakan pagkatapos.

 Ibang klaseng love story ang Mulat na nakapokus sa tatlong karakter :  Jake Cuenca bilang si Kaje Inigo, Ryan Eigenmann, bilang si Vincent at Loren Burgos bilang si Samantha (Sam) Manuel.

Nakarelasyon muna ni Sam si Vincent pero dahil bata pa sila noon, madaling nagkasawaan.  Naging problema ni Sam si Vincent dahil naging magagalitin ito at ayaw na siyang makita.

Pero nakilala ni Sam si Jake at biglang nagbago ang kanyang buhay.  Naging masaya na siya at natagpuan niya ang sariling nagkakaroon na ng inspirasyon sa buhay.

Psychological ang pelikula at maka-identify ang manonood sa tatlong karakter.  Lahat sila ay nagpakitang-gilas sa pag-arte.  Bilib kami sa consis­tensy ni Ryan sa kanyang role at ipinakita naman ni Jake ang kanyang naiibang estilo ng pagganap bilang mahusay na actor.  Pero rebelasyon sa amin ang baguhang si Loren Burgos na parang beteranang aktres.

Magkahalong senswalidad at karisma ang taglay niya.  Panoorin nyo ang pelikula para kayo ang tumuklas. Isa ito sa mga pelikulang kasali sa New Wave category ng Metro Manila Film Festival.

                                                 

 

DIANE VENTURA JAKE CUENCA KAJE INIGO LOREN BURGOS METRO MANILA FILM FESTIVAL MULAT NEW WAVE PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with