Hindi malayong maging local counterpart ni Anderson Cooper anak ni Sen. Grace na si Brian reporter na ng CNN
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 16, 2014 - 12:00am

Working na si Brian Llamanzares, ang panganay ni Senator Grace Poe.

Nagtatrabaho si Brian bilang reporter ng CNN Philippines at bagay na bagay siya sa kanyang new job bilang fluent ang pagsasalita niya ng American language.

Sa mga hindi nakakaalam, contract star si Brian ng Sta­r Magic at may permiso nito ang pagpasok niya sa CNN Philippines.

Very bright ang kinabukasan ni Brian bilang broadcast journalist dahil gamay na gamay niya ang mundo ng pulitika at showbiz.

Malayung-malayo siya sa isang male TV reporter na utal-utal sa pag-uulat ng mga balita at hindi sigurado sa mga sinasabi niya sa harap ng mga TV camera. Kung may Anderson Cooper ang CNN, malaki ang posibilidad na si Brian ang maging local counterpart ni Cooper sa CNN Philippines.

Mark hindi mukhang 28

Hindi ko pinangarap na mabiktima ng trapik kaya hindi ko na pinuntahan kahapon ang imbitasyon para sa presscon ng Philpop 2015.

Ito ang mga panahon na piling-pili ang pinupuntahan ko dahil natuto na ako ng leksyon mula sa mga kakilala ko na super-emote sa wala nang solusyon na traffic nightmare sa Metro Manila tuwing papalapit ang Pasko.

Ang lunch date lang namin ni Mama Rubby Sy ng Flawless ang pinuntahan ko kahapon dahil sa Quezon City ito. Hindi ko na kailangan na magdusa sa overacting na traffic jam sa Edsa.

Birthday ni Mark Herras noong Linggo kaya nag-usap sila ni Mama Rubby sa cell phone. Celebrity endorser si Mark ng number one beauty clinic sa bansa at tuwang-tuwa siya sa OPM  na birthday gift sa kanya ni Mama Rubby.

Malaki na ang ipinagbago ng ugali at mga pananaw ni Mark sa buhay mula nang magkaroon siya ng anak. Walang bukambibig si Mark kundi ang kanyang unica hija na inspirasyon niya ngayon. Lahat ng mga ginagawa ni Mark, para sa anak na kinababaliwan niya.

Twenty-eight years-old na si Mark noong Linggo at nagkaroon siya ng birthday celebration sa Sunday All Stars. Marami ang hindi makapaniwala na 28-years old na si Mark dahil bagets-looking pa siya.

Mother Lily masigasig sa Shake… XV

All out si Mother Lily Monteverde sa promo at publicity ng Shake, Rattle & Roll XV, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival.

Matapos magpatawag noon ng magkahiwalay na presscon para sa mga lead actor at lead actress ng pelikula, magkakaroon si Mother ng grand presscon para sa buong cast ng Shake, Rattle & Roll XV.

May good news si Mother tungkol sa kanyang filmfest entry at siguradong magaganap ang announcement ng magandang balita sa grand presscon ng Shake, Rattle & Roll XV. Kung kailan at saan? Secret para hindi dumugin ng mga gaka!

Pacman dadalaw kina Bong at Jinggoy

Plano ni Congressman Man­ny Pacquiao na dalawin sina Se­nator Bong Revilla, Jr. at Senator Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center bago sumapit ang Pasko.

Tatapusin muna ni Papa Manny ang kanyang mga personal commitment, pati na ang birthday ce­le­bra­tion niya bukas sa General Santos City. Ipagdi­riwang ni Papa Manny ang kanyang 36th birthday sa piling ng pamilya at constituents niya. Advance happy birthday Papa Manny!

ANDERSON COOPER BONG REVILLA BRIAN LLAMANZARES MAMA RUBBY MARK NIYA PAPA MANNY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with