Newscaster namamakyaw ng false eyelashes

Parehong maganda ang dalawang newscasters na pambato ng malaking network.

Gustuhin man ni Newscaster A na bumili ng false eyelashes at gumamit nito ay hindi niya magawa. Kapag naglagay siya ng false eyelash ay nagkakaroon siya ng allergy sa mata.

Kaiba naman ito kay Newscaster B dahil gumagamit siya ng false eyelashes para lalo pang mapaganda ang mga mata. Umuorder siya sa kaibigang parlorista ng isandaang false eyelashes para magamit everyday laluna sa mga espesyal na okasyon. Natural na natural ang false eyelashes na angkop sa magaganda niyang mga mata.

Marami siyang umorder ng false eyelashes para naka-reserba na ito sa dami ng dinadaluhang okasyon.

Vice Ganda, gumaling dahil kay Direk Wenn

Inamin ni Vice Ganda sa presscon ng The Ama­zing Praybeyt Benjamin na magaling siyang artista dahil kay Direk Wenn Deramas na director ng kanyang movie.

‘‘Gumagaling ako sa pag-arte dahil ginagabayan ako ni Direk.

“May kalayaan akong umarte at ‘di nasasakal sa kanya,’’ sabi ni Vice.

Ayon kay Direk Wenn, pang global na ang kanilang pelikula dahil uminog ang kwento sa mga terorista.

Hindi kabado si Vice kahit magaganda rin ang mga kalaban nila sa MMFF 2014 ngayong Kapaskuhan.

Leni Santos makulay ang lovelife

Tiyak na kapupulutan ng aral ang kwentong tampok sa Love Hotline tungkol sa buhay pag-ibig ni Leni Santos. Ikinasal siya noong 1991 at nagkaroon ng dalawang anak. Pero nag-divorce sila ng asawa noong 2006 at nagkanya-kanya na ng buhay. Pero nanatili naman silang magkaibigan.

May bago nang boyfriend si Leni, isang Pinoy na naka-base sa Amerika.

Samahan ngayong Biyernes ng hapon sa GMA sina Jean Garcia at love expert na si May Soriano na alamin kung nakahanda na ang dating separada at diborsyada na muling lumagay sa tahimik ngayon.

Show comments