Isabelle wala raw utang na loob sa Kapuso Network!

MANILA, Philippines – Kaloka rin si Isabelle Daza. Gusto raw niya ng challenges sa paglipat sa ABS-CBN. As if naman ang galing-galing na niyang umarte para humanap ng challenges, huh!

Sa totoo lang, walang utang na loob ang dating sa amin ng ginawa ni Isabelle at ng manager niya sa GMA and later on, sa Eat Bulaga, huh!

Nang kunin ng Kapuso Network ang aktres, ang apelyido ng ama’t ina lang ang pasaporte niya. Pinagtiyagaan siya ng executives ng GMA kahit na nga flat ang dating at walang alam sa hosting at acting. Yet, sumige lang ang Kapuso kahit panay ang birada kay Isabelle.

Para mahasa ang hosting at magkaroon naman ng dating, ni-request ang Eat Bulaga na kunin siya. Kahit ang GMA na lang daw ang magpasuweldo kay Isabelle basta ma-train lang siya.

Pero siyempre, ang Bulaga rin ang nagbayad ng talent fee ni Isabelle for more than three years. Nahasa naman siya pati na sa pag-arte. Siyempre, mala­king exposure ang nakuha ni Isabelle sa noontime show kaya naman nagkaroon siya ng dagdag na show sa GMA, huh!

Now that nagmarka kahit paano ang pangalan ni Isabelle, napansin siya ng ABS-CBN. Tutal naman, nakagawa na rin siya ng movie sa Star Cinema, so naging daan ‘yun ng negosasyon upang maging bahagi siya ng ABS-CBN. And it happened ‘yung pagri-resign niya sa Bulaga at kumpirmasyon na maging Kapamilya nitong Monday.

Huwag nang magpakaipokrita ni Isabelle na gusto niya ng challenges sa paglipat sa Dos, huh! Magagawa rin niyang magkaroon ng challenges sa shows ng GMA kung ginusto ng manager nila.

Huwag siyang mag-deny na pecuniary interest ang malaking dahilan ng paglipat niya sa ABS-CBN, huh!

Malapit nang umamin Kim hindi pa raw sila ni Kiko

Walang relasyon pero tinanggap ni Kim Rodriguez ang aso na Shih Tzu sa natsitsismis sa kanyang si Kiko Estrada, anak ni Gary Estrada. Dagdag ito sa stuffed toy na unang binigay ng teen actor sa nali-link sa kanya at kapareha sa GMA series na Strawberry Lane.

Ayon kay Kim, naikuwento niya kay Kiko ang pagkawala ng Shih Tzu niya. Lagi niyang dinadala ang aso lalo na kapag walang maiiwan dito kapag may trabaho siya.

Eh kung malapit pala sila ni Kiko, bakit ayaw pa nilang umamin?

“Hindi po talaga kami! Hindi ko masasabi na kami na. Mahirap po eh.

“Ngayon, sobrang close lang namin na sobrang comfortable,” rason ni Kim.

Ang ikinatutuwa niyang ugali ng teen actor ay ang pagtitiwala sa kanya nito pagdating sa kuwento sa mga magulang at mga kapatid. Hindi ba siya natatakot na matulad sa playboy image ng ama si Kiko?

“Ano po, hindi. Sobrang open niya sa akin. Nang tanungin ko kung bakit niya sinasabi sa akin ang mga ‘yon, nagtitiwala raw siya kasi sa akin,” katwiran pa ng young actress.

Show comments