Alice at Erich parehong na-link sa ahas daw sa isang mall!

Ang kuwento ng Ahas episode ng Shake, Rattle & Roll XV na pinagbibidahan ni Erich Gonzales ay hawig sa umiikot na kuwentong kutsero noon pa sa ating bansa tungkol sa isang department store na may taong-ahas na naninirahan umano sa basement.

Pero ayon sa Regal Films ay wala raw kinalaman ang episode na ito sa tsismis tungkol sa department store na ‘yun.

Maging si Erich ay natatawa sa tsismis na ito na alam naman nating imposibleng mangyari in real life. Bale ba, may tsika rin noon na nagustuhan si ­Alice Dixson ng taong-ahas sa department store na nagkataon din namang nasa cast ng Ahas episode ng pelikula.

“Siya (Alice) po ‘yung gumanap na nanay ko sa flashback scene. Pero masaya ako dahil parte siya ng episode namin,” kwento ni Erich.

Aware rin naman si Erich sa kuwentong nagustuhan nga si Alice ng taong ahas.

“Balita nga raw po ganu’n, pero hindi ko naman alam kung totoo,” say ng young actress.

Samantala, recently ay nag-trending si Erich dahil sa sampalan scene nila ni Kaye Abad sa seryeng Two Wives. Kaya naman natanong din siya kung totoo bang nagkapisikalan talaga sila habang ginagawa ang scene.

“Hindi naman maiiwasan na magkasakitan kayo dahil ang gusto ng direktor, ganito ang mang­yari.

“So pareho naman po kaming lahat doon, professional. Wala naman pong personalan. Siyempre, after po ng cut, lahat naman po nagso-sorry, nagha-hug,” say ni Erich.

Bukod sa sampalan ay pinag-usapan din ang tila patalbugan nila ni Kaye sa pagsuot ng two-piece swimsuit.

“Yun nga. Nabigla rin kami, kasi bigla na lang may ganoong klaseng eksena. Dahil for airing po talaga kami lagi, so wala nang time mag-ano...

“Bigla na lang pagdating sa set, ‘O, eto ang damit niyo.’ “‘Ha?’ Okay, sige, wala nang time mag-question kasi taping kami ngayon, eere tonight. So okay, let’s go, let’s go! O sige, okay. Ganu’n na lang po,” she said.

Kung sa serye ay magkaaway sila ni Kaye, okay naman daw sila sa totoong buhay at wala raw patalbugan or kumpetisyon. Maging sa mga fans ay wala naman daw issue.

“Supportive naman po ‘yung mga suppor­ters namin at siguro, hindi naman po magiging mataas ang ratings namin kung hindi sila supportive at sobrang saya ng management sa ­ra­tings namin,” say pa ni Erich.

Ella walang paki kahit hindi bida, gustong maranasan ang maging dalagang ina

Para kay Ella Cruz, ang Bagito ang first mature role niya ever. Coming from Aryana na isang teenage na sirena ang kanyang role, dito sa bagong seryeng ito ng Dreamscape Entertainment ay isang dalagang ina ang kanyang papel na nabuntis nga nang maaga ng karakter ni Nash Aguas.

“Kaya ko siya kinuha dahil sa karakter niya mismo, sobrang challenging niya po kasi. Binalewala ko lahat, alam nating for sure, may masasabi at masasabi sila, pero I’m just being professional po,” she said.

Alam naman daw niya na darating at darating din talaga ang time that she will take mature roles at med­yo napaaga lang ngayon.

At alam din daw niya na hindi siya talaga ang bida sa Bagito kundi sina Nash Aguas at Alexa Ilacad pero alam din naman daw niya na napaka-importante rin naman ng kanyang role.

Biro nga niya, kung hindi raw dahil sa karakter niya, hindi magiging bagito ang karakter ni Nash.

Nagbida na kasi si Ella sa Aryana at tanggap naman daw niyang hindi talaga pwedeng parati siyang bida.

“Actually, para sa akin, just do your job, yung work, yung pangarap mo and just do your best  para umangat yung character mo,” say pa ni Ella.

Show comments