^

Pang Movies

Three years nag-boycott dahil kay Conrad, Zsa Zsa sa ‘Pinas na uli magpa-pasko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Natawa na lang ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla sa balitang malapit na raw siyang ikasal sa kanyang boyfriend na si Architect Conrad Onglao.

Sa early part of 2015 daw ay ikakasal na sila.

Pero pinabulaanan ito ni Zsa Zsa dahil pinag-uusapan pa lang daw nila ni Conrad ang tungkol dito.

“Wala pa naman, hindi pa naman klaro. Siyempre when you are in a relationship with someone, you make plans, you build dreams together.

“Ang prayer ko lang sana, kung anuman, ‘di ba, umabot din dun,” diin pa niya.

Marami tuloy ang nag-akala na sukob sila ng kanyang anak na si Karylle na kinasal noong nakaraang March kay Yael Yuzon, pero wala namang ikakasal na Zsa Zsa sa taong ito.

Tungkol naman sa relasyon niya kay Conrad, masayang-masaya si Zsa Zsa. Eight months na raw silang may relasyon.

“We’re still getting to know each other. We’ve been together for eight months, ‘di ba, getting-to-know-each-other period pa rin.

“Siyempre magkaiba kami ng mundo, he gets out of his way na malaman niya ang mundo ko.

“Ako rin, I get out of my way to know his world, more of his world, ganun.”

Ngayong Pasko ay dito sa Pilipinas ipagdiriwang ni Zsa Zsa ang naturang okasyon pagkatapos ng tatlong taon na hindi siya nagsaya tuwing Pasko dahil sa pagpanaw ng kanyang longtime partner na si Dolphy.

“Dito na ako magpa-Pasko ulit. Na-boycott ko ang Pasko for three years.

“Gusto ko namang ma-experience uli ang Christmas sa Philippines. Siyempre, alam naman ng lahat na masaya na ako,” pagtatapos pa ni Zsa Zsa Padilla.

Bianca ginawa ang lahat sa Miss International Pageant

Dismayado ang maraming pageant lovers dahil sa bigong mapanalunan ni Miss Philippines Mary Anne Bianca Guidotti ang Miss International title.

Ginanap noong November 11 ang coronation ng Miss International Beauty Pageant sa Japan.

Ang nagwagi ng korona ay si Miss Puerto Rico Valerie Hernandez. Mga runners-up sina Miss Colombia (Zuleika Suarez); Miss Thailand (Punika Kulsoontornrut); Miss United Kingdom (Victoria Tooby), and Miss Finland (Milla Romppanen) respectively.

Hindi nakasama sa top 10 si Miss Philippines kaya doon pa lang ay nanlumo na ang mga Pinoy na nanood at sumuporta sa ating kandidata.

Pero gayun pa man, nakatanggap pa rin ng maraming suporta si Guidotti sa social media. Ginawa naman daw niya ang kanyang best pero talagang hindi ito taon ulit ng Pilipinas para manalo ulit sa Miss International.

Nag-post ang Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) sa Facebook ng pagbati kay Bianca sa kanyang ipinakitang performance sa Miss International.

“The Bb. Pilipinas Charities Inc. would like to congratulate Miss International Philippines 2014 Mary Anne Bianca Guidotti for her performance in the Miss International pageant held in Grand Prince Hotel, Takanawa Japan today.

“Her participation in the pageant’s global discussions on peace, cultural exchange and other charity initiatives have beautifully showcased the Filipina’s beauty, intellect and compassion.”

Bagong album mabentang parang mani Taylor pasok sa 10 Most Fascinating People of 2014

Dahil sa kanyang magandang taon, sinama na si Taylor Swift ni Barbara Walters sa kanyang 10 Most Fascinating People of 2014.

Malaking factor ay ang phenomenal sale ng bagong album ni Taylor na 1989 kaya karapat-dapat siyang isama ni Walters sa kanyang annual fascinating list.

Makakasama ni Taylor sa listahan sina Oprah Winfrey, Scarlett Johansson, Chelsea Handler, Neil Patrick Harris, at iba pa.

Ipapalabas sa December 14 ang Barbara Walters Presents: The 10 Most Fascinating People of 2014.

vuukle comment

KANYANG

MISS

MISS INTERNATIONAL

MOST FASCINATING PEOPLE

PASKO

SIYEMPRE

TAYLOR

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with