Kaya raw kinuhang calendar girl, Ellen pinili ng mga barako!

Mabilis na sinagot ni Mr. Nelson Elises, Vice President and Marketing Manager ng Ginebra San Miguel kung bakit si Ellen Adarna ang napili nilang 2015 Calendar Girl sa launch nito sa Rembrandt Hotel. 

Nagkaisa raw ng desisyon ang board na si Ellen ang pinakaseksi at hot young actress nga­yon. At hindi sila nahirapang i-pictorial si Ellen at gumamit lamang sila ng backdrop dahil sa theme nilang “Ganado Sa Buhay” na tribute sa mga tumatangkilik ng kanilang produkto, ang mga magsasaka, mga mangingisda, at construction workers. Pinakapaborito ni Ellen sa tatlong pictorials iyong naka-two piece bikini siya sa tabi ng bangka sa beach dahil she is a beach person. Isinabay sa launch kay Ellen ang pagbibigay ng honor sa mga napili nilang representative ng bawat working class na tumanggap ng GSM Ganado packages. 

Prangkang sinagot naman ni Ellen ang mga tanong sa kanya na hindi siya tumanggi nang i-offer sa kanyang mag-endorse ng GSM dahil talaga naman siyang umi­inom at walang chaser. Hard drinker siya talaga kapag depressed ­siya, kapag masaya siya, at kapag pagod siya pag­kaga­ling sa trabaho. Ikinuwento pa niyang nakainuman na rin daw niya si John Lloyd Cruz na kasama noon ang girlfriend na si Angelica Panganiban. 

Busy si Ellen dahil sunud-sunod ang trabaho niya, after shooting the comedy movie na Beauty in a Bottle na showing na sa Wednesday, October 29, nagsimula na rin siyang mag-taping ng adaptation ng Mexican telenovela na Passion de Amor na dinidirek ni Eric Quizon.

Bukas, October 27, pwede nang makakuha ng calendar ni Ellen sa mga store outlets ng  Ginebra San Miguel.

Dingdong at Marian hindi pa rin maawat sa katatrabaho

Habang hinihintay ng mga entertainment press ang paglu-launch kay Ellen Adarna, napag-usapan sa table namin ang nalalapit na wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at bilib na bilib si Manay Lolit Solis na sa kabila raw ng wedding preparation ng dalawang aanakin niya sa kasal, hindi nila pinababayaan ang kani-kanilang trabaho. Tuloy si Dingdong sa mga advocacy ng kanyang Yes Pinoy Foundation, Inc. at tinapos na rin niya ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Kubot: The Aswang Chronicles 2. At si Marian naman, nakakaya pang mag-appear sa segment nila sa Eat Bulaga na Juan for All All For Juan, ang two-episode taping nito ng dance show niyang Marian at pag-attend sa kanyang advocacy din, ang Smile Train kung saan pinaooperahan nila ang mga batang may hare lip at palate.  Tinawag na si Marian na Smile Train PH Ambassador at may landing page na siya sa Smile Train’s main website, kasama ng mga international celebrities na sumusuporta sa organization.

Ang maganda sa dalawa, kahit anong busy nila, they find time to be together. Today, October 26, muling babalik si Marian sa Tacloban, kahit last Sa­turday, October 18 lamang siya nanggaling doon para sa Regional Kapuso TV show. Pero kasama niyang babalik si Dingdong at iba pang Kapuso stars para sa GMA Regional TV Meet and Greet, from 12:00 to 2:00 p.m., sa Robinson’s Place Tac­l­o­ban. Kasama nila sina Kris Bernal, Barbie Forteza, Julie Ann San Jose, Miguel Tanfelix, at Bianca Umali to show some love to all Kapusong Waray-Waray sa Eastern Visayas. Sponsored ito ng GMA Channel 7 Cebu.

 

Show comments