Di na kakandidato? Ate Vi magpo-produce na lang ng pelikula after 2016!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 13, 2014 - 12:00am

Malaking bagay nga kung pagkatapos ng kanyang term sa 2016 ay magpapahinga na muna si Governor Vilma Santos sa pulitika at babalikan naman ang show business. Noon kasi, marami naman siyang ibang plano, hindi lang bilang isang aktres. Sinasabi niyang maaari siyang mag-direk, o kaya ay mag-produce rin ulit ng pelikula.

Noong araw kasi ay nag-produce na rin siya ng pelikula, at isa sa pinakamagagandang pelikulang nagawa niya ay siya mismo ang producer. Ang naging problema nga lang, dahil busy siya sa pagi­ging isang artista at kabi-kabila ang mga pelikula niya noon, hindi siya hands on a produksiyon ng kanyang pelikula. Hindi niya nasubaybayan ang distribution ng pelikula niya. Medyo napabayaan iyong bagay na iyon. Nangyari pa nga sa kanila eh, isinauli ang lata na dapat ay naglalaman ng kopya ng kanilang pelikula na inilabas sa isang sinehan sa probinsiya, hindi naman na-inspeksiyon agad. Noong malaunan, nalaman nila na hindi pala pelikula ang laman noon kundi bato lamang.

Kumikita ang mga pelikula niya noon, misma­naged lamang ang itinayo niyang kumpanya. Nga­yon, na natutuhan na niya ang lahat halos, pati nga ang sistema ng film distribution na matagal na rin naman niyang pinag-aralan, aba eh mas magiging madali nga siguro sa kanya kahit na mag-produce pa siya ng mga pelikula.

Pero ang mas makapagbibigay ng kasiyahan sa kanyang mga fans ay iyong siya mismo ang gumawa ng pelikula bilang isang aktres. Palagay namin kung gagawin niya iyon, matutuwa rin naman ang industriya, kasi kaila­ngan natin ngayon ang mga artistang siguradong kikita ang gagawing pelikula.

Derek pinaiikot na lang ng dating asawa

Nakakagulat ang mga lumalabas na de­tal­ye ngayon sa kaso ni Derek Ramsay. Ang akala natin ay talaga ngang pinabayaan ni Derek ang babaeng kanyang pinakasalan, iyon pala lumalabas ngayon na noon pang 2012 ay nagkabayaran na sila ng limang milyong piso, at nagkasundo na pagkatapos noon wala na silang pakialaman, maliban sa sustento pa ring ibibigay ni Derek para sa pag-aaral ng kanilang anak.

Pero hindi na ganoon ang lumalabas sa usapan ngayon, dahil sinasabi ng babaeng pinakasalan noon ni Derek na may mga technicality. Hindi naman daw silang dalawa ang nag-petition noon sa husgado kagaya ng isinasaad sa batas kundi si Derek lang. Ayon din daw sa batas, hindi sapat ang limang milyon lang dahil dapat hati sila sa lahat ng ari-arian na sinasabing conjugal property nila, kaya pala humihingi na siya ngayon ng 40 million.

Female star baliw-baliwan na naman… sa BF dahil nilulunod sa ‘pagmamahal’!

Baliw na baliw na naman pala ang isang female star sa kanyang boyfriend, at walang dudang handa na naman niyang lustayin ang kanyang kayamanan nang dahil sa pag-ibig. Hindi naman daw mapagsamantala ang boyfriend, pero talagang nilulunod niya iyon ng kanyang “pagmamahal”. Papaano kaya kung hindi malunod?

 

DEREK DEREK RAMSAY GOVERNOR VILMA SANTOS KANYANG NAMAN NIYA NOON PELIKULA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with