Luis Manzano bahagi na ng Puregold

MANILA, Philippines - Bahagi na ang actor-TV host na si Luis Manzano ng Puregold Priceclub Inc. bilang pinakabago nitong celebrity endorser. Present sa contract signing upang opisyal na salubungin si Luis sa Puregold ay ang manager ni Luis na si June Rufino, Vice President for Operations na si Tonio Delos Santos, at Marketing Manager na si Roni Valdes.

“Isang malaking pribiliheyo at karangalan para sa akin na maging bahagi ng lumala­king pamilya ng Puregold,” sabi Luis.

“Excited na ako sa darating na mga buwan sa mga sorpresang inihanda ng Puregold para sa ating lahat. Talaga namang sa Puregold always panalo!” Pinagdiriwang ang ika-16th anibersaryo nito at mayroon itong humigit na 200 branches sa buong bansa. 

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Puregold at mga juicy updates kay Luis at sa kanyang mga activities kasama ang Puregold, bisitahin ang opisyal na website ng Puregold sa www.puregold.com.ph, i-like ang opisyal na pahina ng Puregold sa Facebook, at sundan ang Puregold sa Instagram (@puregold_ph) at sa Twitter (@puregold_ph).

 

Show comments