Gov. Vi tinitiis ang sakit dahil sa tambak na trabaho
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 1, 2014 - 12:00am

Kailangan ni Governor Vilma Santos ng isang executive check-up. Kailangan din niya ang magpahinga. Hindi naman kasi maikakaila na sunud-sunod na stress niya sa trabaho. Kailangan niyang bumiyahe noon dahil inihahanap nila ng iskuwelahang papasukan sa London ang kanyang anak na si Ryan. Pagdating naman niya rito, panibagong stress dahil sa pagyao nga ng matagal na niyang personal assistant na si Aida Fandialan.

Marami pa siyang kailangang asikasuhin sa Batangas, at kahit na nagpapahinga, hindi pa rin naiwasang kumilos lalo na noong may bagyo. Nangyayari rin talaga na dahil sa rami ng kanyang trabaho minsan sa kapitolyo, nalilipasan na siya ng gutom. Kaya hindi nga katakataka na pahirapan na naman siya ng kanyang ulcers.

Kung kailan pa siya umabot sa ganyang posisyon at saka nga masasabing halos trabahong kalabaw si Ate Vi. Hindi dahil naghahabol siya ng kikitain niya, kung ‘di dahil sa pressure talaga dahil sa mga naipangako niyang tatapusin bago niya iwanan ang pagiging gobernador ng Batangas.

“Buti pa noon dahil masasabi mong gagawin mo sa susunod na pagkakataon. Ngayon wala na eh. Last term ko na ito kaya kailangang matapos ko nang lahat ang mga proyekto”.

Kaya nga napapailing na lang ang Star for All Seasons dahil sa panunukso sa kanya nang may lumabas na survey na nagsasabing kung ngayon na raw siguro ang eleksiyon, tiyak na mananalo siya bilang isang senador. Lalong matindi naman iyong sinasabi ng iba na dapat na siyang tumakbo bilang vice president, at marami ang nag-uudyok sa kanya. Kasi alam naman nila kung papaano siya magtrabaho. Alam din naman nila na malinis ang kanyang record bilang isang public official, at 18 taon na siyang public official ha. Sa loob ng 18 taong iyan, walang nasabing anumang anomalya na na-link ang kanyang pangalan.

Pero kung si Ate Vi lang ang talagang masusu­nod, gusto na muna niyang mag-time out sa pulitika. Masyado na nga siguro siyang maraming trabaho. At kailangan naman niyang harapin ang kanyang pagiging aktres.

Galing pang London, Derek isinasalba ng ex-GF

Siguro nga kung hindi mabuting tao talaga si Derek Ramsay, hindi naman babalik sa Pilipinas mula sa London ang dati niyang girlfriend na si Collette Centeno-Fox para lamang tu­mestigo pabor sa kanya. Gusto lang namang patunayan ni Collette na sa tatlong taong naging relasyon nila ni Derek, hindi niya nakitaan ng pagiging violent ang aktor.

Sinabi rin ni Collete na ang dahilan ng kanilang split noon ay dahil gusto ngang ituloy ni Derek ang kanyang career bilang modelo at artista, samantalang ang gusto naman ni Collete ay makasama na ang kanyang pamilya sa London. Hindi raw totoo ang sinasabi ng iba na nagkagalit sila at pinalayas siya ni Derek sa apartment na tinitirahan nila noon.

Palagay namin kung ganyan nga ang statement ng isang babae, at iisipin niyang magbalik pa sa Pilipinas para lamang depensahan ang isang dating boyfriend, masasabi nga sigurong talagang naging mabuti ang kanilang pagsasamahan noong araw.

AIDA FANDIALAN ALL SEASONS ATE VI DAHIL DEREK KANYANG NAMAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with