^

Pang Movies

Marian sa HK Disneyland magba-bridal shower

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Malaking blowout ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang kanyang bridal shower na gagawin sa Hong Kong Disneyland.

Umalis kahapon ng umaga sina Marian, kasama ang Lola Francisca at Mama Amy niya na matagal na palang pangakong treat iyon sa kanila, sina Perry Lansigan at Paolo Luciano ng PPL Entertainment, stylist John Paul Dizon, Bambbi Fuentes, good friends Ana Feleo, and Boobay.

Hindi nakasama ang manager ni Marian na si Rams David dahil nagpapagaling pa sa flu.  Abangan na lamang natin sa Instagram accounts nila kung paano at saan ginawa ang bridal shower.

Mr. Sy ng SM mas piniling mag-donate ng building para sa mga batang may cancer kesa mag-birthday party

Napaiyak sa tuwa si Mother Ricky Reyes sa malaking sorpresa sa kanya ni Mr. Hans Sy, sa pagsi-celebrate nila ng 11th anniversary ng Child Haus, ang nagiging tahanan ng mga cancer patients habang nagpapagamot sila sa Philippine General Hospital (PGH).

Ang tahanan ngayon ng mga bata ay donation na house and lot ni Mr. Sy ng Shoe Mart (SM) sa 19 Mapang-akit Street, Brgy. Pinyahan, Quezon City. As per the report of mother Ricky, umabot sa almost 300 na cancer patients and their guardians ang tumira rito sa loob ng nakaraang taon.  At sa tulong ng mga doctor sa PGH at sa pag-aasikaso ni Mother Ricky at mga employees niya, may 13 lamang reported na hindi naka-survive sa sakit nilang cancer, pero most of them ay nakabalik sa kani-kanilang probinsiya na magaling na. At isa nga iyon sa sini-celebrate, pagkatapos ng isang concelebrated Holy Mass bago ang programa na nagkaloob ng plaque of appreciation sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanila tulad nina Ms. Carol Sy, sister ni Mr. Hans Sy, Ms. Tates Gana, ang katotong si Ogie Diaz na isa raw sa hinihingan niya ng donation ay si Luis Manzano na every year nagbibigay ng one hundred thousand pesos para sa Child Haus.

Naroon din at nag-perform ang grupong 143 na gumawa ng music vi­deo ng Child Haus at kinanta nila ang theme song na Ngiti Lang composed by Jonathan Ong.

ANA FELEO

BAMBBI FUENTES

CHILD HAUS

HOLY MASS

HONG KONG DISNEYLAND

JOHN PAUL DIZON

JONATHAN ONG

KAPUSO PRIMETIME QUEEN MARIAN RIVERA

MR. HANS SY

MR. SY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with