Nash at Alexa, nagkakalabuan

MANILA, Philippines - Haharap sa malaking pagsubok ang mga karakter nina Nash Aguas at Alexa Ilacad sa pagpapatuloy ng kanilang Wansapanataym special kasama ang boy group na Gimme 5.

Sa Wansapanataym Presents Perfecto ngayong Sabado at Linggo (Setyembre  14) sa ABS-CBN, unti-unti nang magbabago ang pagtingin ni Kylie (Alexa) kay Perry (Nash) nang matuklasan niyang ginagamit ng kaibigan ang isang mahiwagang nilalang para makuha ang lahat ng gusto niya.

Tuluyan na bang masisira ang pagkakaibigan nina Perry at Kylie dahil sa kagustugan ni Perry na maging perpekto?

Bahagi rin ng Perfecto sina Matet de Leon, Vandolph Quizon, Candy Pa­ngilinan, Melai Cantiveros, Alexa Macanan, at ang mga miyembro ng Gimme 5 na sina John Bermundo, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, at Grae Fernandez .

 

Show comments