Mga anak ni Mark hindi natalbugan ang kaguwapuhan ng ama
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - September 2, 2014 - 12:00am

Nagluluksa ang local showbiz dahil sa pagpanaw kahapon ng aktor na si Mark Gil.

Marami ang nakaaalam na may liver cancer si Mark, pero ikinagulat pa rin nila ang pama­ma­alam niya.

Mag-expect tayo ng mga tribute para kay Mark na malaki ang na­ging kontribus­yon sa pelikulang Pilipino.

Agree ako sa mga nagsasabi na namana man ng kanyang mga anak na lalaki ang husay niya sa pag-arte, hindi pa rin nila natalbugan ang kaguwapuhan ni Mark, lalo na noong bagets pa ito.

Mabilis ang desisyon ng Eigenmann family na ipa-cremate kahapon ang mga labi ni Mark. Magkakaroon ng lamay sa mga abo ni Mark simula sa Miyerkules. “

The Eigenmann family has now decided to celebrate Mark Gil’s life and the man on Wednesday sept 3 starting at 10 am La Salle Greenhills. chapel. We invite all. The friends and anyone who wish to join us in honoring him. EVERYONE who loved Mark Gil is welcome.”  ayon sa statement ng manager ni Mark na si June Torrejon.

Alden inalala ang galing ng yumaong ‘ama’

Nagpapasalamat si Alden Richards dahil nabigyan siya ng pagka­kataon na makatrabaho si Mark Gil nang isadula ng Magpakailanman ang kanyang life story noong March 2013.

Si Mark ang gumanap bilang Richard Faulkerson, Jr. sa The Alden Richards Story. Si Richard ang ama ni Alden sa tunay na buhay. Nang malaman ng tatay ni Alden ang pagpanaw ni Mark, inilagay agad niya sa kanyang Instagram account ang litrato ng isang eksena nina Alden at Mark sa Magpakailanman.

Hindi ako magtataka kung i-replay ng GMA 7 ang episode ng Magpakailanman para sa kapakanan ng televiewers na gustong mapanood sa huling pagkakataon ang namayapa na aktor.

Tsismis kay Cristine NA-timing sa promo ng The Gifted

May nang-iintriga kay Cristine Reyes pero hindi kapatul-patol.

Puwedeng imbento lamang ang balita dahil may pelikula si Cristine na ipalalabas bukas sa mga sinehan, ang The Gifted.

Hindi naman solo movie ni Cristine ang The Gifted dahil co-stars niya sina Anne Curtis at Sam Milby.

Malalaman natin ang katotohanan sa pang-iintriga kay Cristine kapag ito ang nag-deny o nagkumpirma ng tsismis na pangkaraniwan nang ipinupukol sa mga artista na visible at may mga movie project o teleserye na malapit na ang playdate.

Aktor na TH sa pagpapa-sexy wala ring pumapansin!

Wa epek ang pagpapaseksi ng isang aktor dahil dedma ang publiko sa paghuhubad niya sa mga pictorial.

May mga naawa nga sa aktor dahil trying hard na trying hard ang pagpapaseksi niya. Hindi na ako magbibigay ng clue tungkol sa identity ng aktor na pinararatangan na trying hard at matagal nang ki­nu­kuwestyon ang sekswalidad. Isa lang ang sure, ga­gawin niya ang lahat para maabot ang kanyang pa­ngarap na sumikat.

 

ALDEN RICHARDS ALDEN RICHARDS STORY ANNE CURTIS CRISTINE MAGPAKAILANMAN MARK MARK GIL SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with