Kasalang Chiz at Heart wala nang balakid

Natuwa naman ako dahil magkasundo na si Heart Evangelista at ang kanyang estranged mother na si Cecile.

Mismong si Heart ang nag-confirm na okey na sila ng kanyang mother dear. Ang ibig sabihin, wala nang balakid sa co­ming soon wedding nina Heart at Senator Chiz Escudero.

Baka ibigay o ibinigay na ng madir ni Heart ang permiso nito para ikasal kay Papa Chiz ang kanyang bunso.

Na-prove uli ang kasabihan na walang magulang na nakakatiis sa kanilang mga anak at good example ang reconciliation ng mag-inang Cecile at Heart.

Mayor Erap hindi nakiuso sa ice bucket challenge, mas piniling mag-donate

Bow ako kay Manila City Mayor Joseph Estrada dahil hindi siya nakiuso sa ALS Ice Bucket Challenge  na ginamit na publicity o gimik ng ibang mga artista.

True ang sinabi ni Papa Erap na puwede siyang mag-donate sa charity nang hindi na kailangan na ipaalam sa publiko.

Saka ang lamig-lamig ng tubig na may yelo ‘no! Baka mamaya, mapulmonya pa si Papa Erap. Enough na talaga na mag-donate siya nang lingid sa kaalaman ng taumbayan.

Comm. Kim Henares at Sec. Leila de Lima nagpabuhos ng malamig na tubig

Tinanggap nina BIR Commissioner Kim Henares at DOJ Secretary Leila de Lima ang ice bucket challenge ni Anthony Taber­na.

Nagpabuhos kahapon ng tubig sina De Lima at Henares kaya may mga nagtatanong kung sino ang maglalakas-loob na hamunin si P-Noy ng ice bucket challenge. Hindi ko yata ma-i-imagine na binubuhusan si P-Noy ng napakalamig na tubig.

Dennis hindi nag-expect na makukulong habam-buhay

As of presstime, hindi malinaw sa akin kung na­dala na si Dennis Rol­dan sa New Bilibid Pri­sons sa Muntinlupa City.

Basta ang alam ko, nabigla si Dennis nang marinig nito ang guilty at life imprisonment verdict ng Pasig City RTC na duminig sa kidnapping case na ibi­nintang sa kanya.

Hindi inaasahan ni Dennis ang verdict ng korte at iinaasahan na magsa­sampa sila ng apela.

Nakausap noon si Dennis ng mga reporter at marami ang nanibago sa kanya dahil puro salita ng Diyos ang bukambibig niya.

Hindi rin gaanong napag-usapan ang kaso niya kaya ang akala ng mga reporter, tapos na ang problema ni Dennis.

Tungkol sa balak ni Dennis na magbalik-showbiz ang main topic na nangyari naman dahil nakasali siya sa cast ng My Destiny bilang mabait na asawa ni Kuh Ledesma.

‘Yung nga lang, short-lived ang participation ni Dennis sa teleserye ng GMA 7 dahil sa desisyon ng korte. Aalamin ko pa ang magiging desisyon ng GMA 7 sa role ni Dennis sa My Destiny.

Show comments