Matteo hindi nagkagusto kay Isabelle

MANILA, Philippines - May gusto raw sana si Sarah Geronimo na daya na lang sana ang kissing scene nina Matteo Guidicelli at Isabelle Daza sa Somebody to Love, kaysa ginawang totohanan.

Puro kasi daya ang pakikipaghalikan ni Sarah sa screen kaya gusto niya ganundin sana ang BF niya.  Bakit naman siya magseselos e artista din siya?  Saka lalaki naman si Matteo, ‘di ba?  Buti nga, ginawa na itong bida.  Pasalamat  siya sa Regal Films!

Hindi naman good kisser si Matteo, sabi ni Isabelle na merong boyfreind, si Adrian Semblat.  Si Adrian, good kisser pa!

Kilala naman ni Sarah si Isabelle dahil  nakasama na niya ito sa pelikula It Takes a Man and a Woman noon.  Feeling ba niya magkakagusto si Isabelle kay Matteo?  Mag-i-stick si Matteo kay Sarah dahil may dahilan.

Mayor HB nagpa-cater sa Going Bulilit

Balik Goin Bulilit na ang anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na si Harvey Bautista, anak niya kay Tates Gana.  Kaya nang mag-celebrate ito ng 11th birthday, dumating sa taping ng Goin Bulilit si Herbert at nagpa-cater pa sa set. Syempre, tuwang-tuwa ang anak niya dahil nagkaroon ng time para sa kanya ang kanyang daddy. Apir din syempre ang mother nito na si Tates.  Pinakain nila lahat ng mga bata, staff, and crew ng GB.

Sabi ni Mayor Herbert, kahit anong busy pa niya sa trabaho, lagi siyang may panahon sa kanyang pamilya at any birthday ng mga anak niya ay importante para sa kanya.    

Show comments