Andre bawal nang tanungin tungkol kay Jackie Forster

Nanghinayang si Andre Paras na hindi siya nakasama sa pelikulang Talk Back and You’re Dead ng Viva Films dahil conflict daw sa taping schedule niya para sa The Half Sisters ng GMA 7.

Sila James Reid at Nadine Lustre nga ang mga bida sa naturang pelikula at kasama rin si Yassi Pressman. Si Andre lang daw mula sa cast ng Diary ng Panget ang hindi nakasama.

“Gusto ko po sana because I miss working with them. Pero conflict po sa schedule. I’m not just taping but I’m also going to school and training. Kaya Viva decided na huwag na akong isama sa movie para walang problema,” sey ni Andre.

Adjusted na si Andre sa ginagawa niya sa showbiz at close na rin siya sa cast ng The Half Sisters na sina Barbie Forteza, Thea Tolentino, at Derrick Monasterio.

 Kahit sa press ay relax nang makipagkausap si Andre dahil marunong na siyang makipagbiruan. Pakiusap lang niya na walang questions about his mom, Jackie Forster, dahil personal na bagay na raw iyon.

TV5 talent na si Mark, namangha nang makita si Sarah

Na-starstruck ang TV5 talent na si Mark Neumann nang makita niya ng personal ang tinanghal na Most Beautiful Star of 2014 ng YES! magazine na si Sarah Geronimo.

First time makasama sa listahan ng 100 Beautiful Stars ng YES at hindi niya inakala na ang matagal na niyang crush na si Sarah Geronimo ang napiling cover girl.

“I really like morena girls at si Sarah Geronimo, matagal ko na siyang crush.

“Hindi ko po alam na siya ang Most Beautiful Star. Kaya noong sabihin na siya, I really want to see her in person.

“Tama sila, malakas ang dating niya—she’s a beautiful person talaga,” may kilig na pahayag pa ni Mark.

Namangha rin si Mark sa ganda ni Iza Calzado, pero mas nakakaangat pa rin daw si Sarah para sa kanya.

“Magkaiba naman ang beauty kasi nila Iza at Sarah.

“Ako kasi, I lived in Europe for a long time. Marami akong nakilalang girls na kamukha ni Iza doon.

“Kaya medyo nagsawa na ako sa mga Caucasians. Mas gusto ko na ang mga Pinay beauty.

“Eh si Sarah po ang type kong Pinay beauty. Simple lang po siya pero malakas ang dating,” diin pa niya.

 Isang wish ni Mark na balang-araw ay makatrabaho niya sa pelikula si Sarah Geronimo.

“Sana po... kaso may two years pa ang contract ko with TV5. So parang malabo pang mangyari iyon.

“Pero who knows po, baka biglang magkaroon ng milagro at matupad ang matagal ko nang wish,” ngiti niya.

Pang-leading man ang dating ng 19-year old na si Mark who is half-Pinoy and half-Croatian-German.         

 Pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang gag show na Tropa Mo Ko Unli.

 

 

 

 

Show comments