^

Pang Movies

‘Walang tao na gustong pumalpak’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Narinig ko ang balita na inabot ng madaling-araw ang meeting ni PLDT at TV5 Chairman Manny Pangilinan sa kanyang staff dahil sa aberya na nangyari noong Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, ang cancellation ng The Last Home Stand, ang basketball game ng Gilas Pilipinas at NBA stars.

Kahanga-hanga si Papa Manny dahil siya mismo ang hu­mingi ng paumanhin sa publiko at nangako na ibabalik ang mga ibinayad ng mga manonood na na­dismaya.

Nakakaloka ang balita na aabot sa P200 million ang gastos ng PLDT Home dahil sa laro na nakansela. Believable ang halaga ng datung dahil sa talent fee ng mga NBA player, plane fare, at hotel accomodation nila.

May dapat managot sa nangyari dahil hindi naman nagkulang ang PLDT Home sa kanilang obligasyon sa mga manlalaro na kasali sa The Last Home Stand. Mali na sisihin ng publiko ang PLDT Home dahil walang tao na gustong pumalpak o mabulilyaso ang kanilang mga project, lalo na kung malaki ito.

Sampaguita Gardens may soft opening

Bukas na ang soft opening ng The Sampaguita Gardens, ang events place sa kanto ng Valencia at Gilmore Streets na pag-aari ng Vera Perez family, ang producer ng Sampaguita Pictures.

Si Manay Marichu Vera Perez-Maceda at ang kanyang kapatid na si Lilibeth Nakpil ang mga punong-abala sa soft opening ng events place na si­guradong papatok dahil talagang maganda ang Vera Perez Gardens.

Alam ko ang sinasabi ko dahil bagets pa lang ako, dinarayo ko na ang Sampaguita Pictures para ma-sight ko nang personal ang mga artista na paborito ko. Ni sa panaginip, hindi ko inakala na magiging kaibigan ko ang mga producer ng Sampaguita Pictures at ang kanilang contract stars.

Basta may imbitasyon si Manay Ichu na lunch o dinner sa kanilang bahay, hindi ako puwedeng mag-absent dahil sa masasarap na pagkain na inihahanda niya gaya ng laing, adobo, etc.

I’m sure, matitikman ko uli bukas sa soft opening ang mga signature at favorite dish ng mga Vera Perez.

Derek, go pa rin sa pagpapa-sexy

May reason si Cristine Reyes na talikuran ang pagpapaseksi sa pelikula dahil 25-years old na siya.

Gusto nang i-reinvent ni Cristine ang sarili bilang dramatic star. Type rin niya na gumawa ng comedy films.

Ang tanong, papayag ba ang male fans ni Cristine na hindi masilayan sa big screen ang kanyang kaseksihan?

Seksing-seksi si Cristine sa mga eksena niya sa Trophy Wife. May mga nagsasabi na mukhang seryoso si Cristine sa kanyang desisyon kaya posibleng ang Trophy Wife ang last sexy movie niya.

Hindi ginaya ni Derek Ramsay ang pasya ni Cristine na kasama niya sa Trophy Wife.

Sexy din ang mga eksena ni Derek sa Trophy Wife pero hindi siya nagsalita na last sexy film niya ang Trophy Wife.

Past 30 na ang edad ni Derek na pantasya pa rin ng mga kababaihan. Versatile actor si Derek dahil puwede siya sa drama, comedy, at action movies.

Mahusay din siya na TV host kaya kahit saan ilagay, puwede si Derek dahil hindi limitado ang talent niya.

Claudine napikon sa mga tv reporter

Totoo pala ang balita na nagalit si Claudine Barretto sa mga TV reporter na naglabas sa TV ng video footage ng kanyang pictorial.

Nainis daw si Claudine dahil ang video ang materyal na ginamit ng mga reporter, hindi ang litrato na ibinigay ng kanyang kampo. Pagkatapos lumabas ng video footage ng pictorial ni Claudine sa TV, nakatanggap daw ang mga TV reporter ng text message  na “Pikon sa ‘yo si Claudine” mula sa personal assistant niya. Ang reaksyon ng mga TV reporter? Dedma!

vuukle comment

CLAUDINE

CRISTINE

DAHIL

DEREK

SAMPAGUITA PICTURES

TROPHY WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with