Julia wala pang napapatunayan

MANILA, Philippines - Parang hindi magandang pakulo para kay Julia Barretto, kung totoong gustong alisin ang apelyido ng kanyang ama. Legitimate na anak naman siya ni Dennis Padilla kaya’t hindi ito magandang tingnan, lalo pa’t isang celebrity si Julia. Noong mapaiyak sa interbyu ng Startalk si Dennis, marami ang nakaram­dam ng sakit na kanyang nadama.

Napakaaga pa para magmalaki si Julia, wala pa namang pruweba si Julia bilang artista, pulos commercial lang siya napapanood. May ginawa siyang Mirabella pero parang hindi naman tumatak sa kanya. Sinong tagahanga ba ang bibilib sa isang artistang gustong tanggalin ang karapatan ng ama?

May kinalaman kaya sa kikitaing pera ni Julia ang kasong ito? Hanggang maaga dapat mag-isip-isip.

Miggs Cuaderno mabenta

Dalawang pelikula ang natapos gawin ng child star na si Miggs Cuaderno para sa Cinemalaya.

Ngayong ika-2 ng Agosto, ipalalabas ang A­sintado sa CCP main theater directed by Louie Ignacio. Tampok din dito sina Aiko Melendez at Jake Vargas. May isa pang gagawing movie ang bagets directed by Derrick Cabrido tampok sina Buboy Villar at Gloria Sevilla.

Bukod sa pelikula, may teleserye ring katatampukan si Miggs, ang My BFF na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Mona Louise Rey. Balik-tambalan naman sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs sa nasabing serye.                                                                                                                                                                                             

 

Show comments