Iwa hindi nag e-expect ng kasal kay Pampi

Lilipad patungong Japan si Iwa Moto para asikasuhin ang citizenship ng kanyang anak kay Pampi Lacson.

Gusto ni Iwa na maging Japanese citizen ang kanyang anak na si Mimi para raw pagdating ng araw ay walang maging problema ito kapag gusto na nitong manirahan sa Japan.

 â€œSayang din kasi ‘yung opportunity. Tsaka maraming magagandang benefits na makukuha ang anak ko kapag naayos ko na ang mga papers niya.

 â€œOkey naman kay Pampi dahil pareho naming napagkasunduan ito.

“Para rin sa kinabukasan ito ng anak namin. Ayaw naming pakawalan ang pagkakataong ito para sa kanya,” diin pa ni Iwa.

Wala naman daw magiging problema dahil hindi pa naman kasal si Iwa kay Pampi. Kapwa nila inaasikaso ang mga annulments nila mula sa kanilang mga estranged partners.

“Yung kay Pampi, mukhang maaayos na nila ni Jodi (Santamaria). Kasi parati naman silang nag-uusap. ‘Yung sa akin naman, mukhang matagal pa. Ang dami pa kasing kailangan at hindi na nga kami nagkakausap ni Mickey (Ablan). Mga lawyer lang namin ang nag-uusap.

“Kaya hindi ko muna inaasahan ang magpakasal. Wala namang problema sa akin kasi handa namang maghintay si Pampi,” ngiti pa niya.

Malaki na ang naibawas sa timbang ni Iwa nang sumali siya sa Celebrity Dance Battle. Surprised si Iwa na umabot siya sa final five finalists at sa Sabado na nga ang final showdown nila.

“Unang reason ko talaga kung bakit ako sumali ay para pumayat. Ito lang ang way para mapilitan akong kumilos at alagaan ang katawan ko. Hindi ko pa alam kung gaano na ang nawala sa akin pero mas gumaan na ako compared before na parang namamaga ang buong katawan ko.

“At siyempre, sayang din ang P1 million na premyo. Kahit suntok sa buwan, sige baka pagpalain tayo na manalo at para sa anak ko ang premyong ‘yan!” pagtatapos pa ni Iwa Moto.

Rafa walang planong patalo kay Ciara

Si Ciara Sotto ang masasabing pinakamatinding kalaban ni Rafa Siguion-Reyna sa magaganap na grand finals ng Celebrity Dance Battle ng TV5.

Bilib si Rafa sa mga movements ni Ciara at hindi raw siya magugulat kung ito ang tanghalin na winner.

“Para sa akin, Ciara is really great. Matindi siyang kalaban. The way she moves her body is really amazing. Hindi naman nakapagtataka because she’s a pole dancer kayang-kaya niyang mokontrol ang katawan niya. Napaka-graceful niya.

“But it doesn’t mean na I will stop trying to be at my best. I’m more of a hip-hop dancer pero marami akong natutunan na iba’t ibang sayaw sa show na ito.

 â€œMy parents are so surprised kasi hindi nila alam na kaya ko palang sumayaw nang gano’n. Win or lose, I had fun doing this show,” ngiti pa ni Rafa.

Isang milyong piso ang premyo para sa ma­nanalo sa Celebrity Dance Battle. Bukod kay Ciara Sotto at makakalaban din ni Rafa sina Iwa Moto, Priscilla Meirelles, at ang basketball player na si Gary David.

Kung si Rafa ang manalo, ano ang gagawin niya sa premyong P1 million?

“I will keep it in the bank. I might spend some, pero para lang sa mga importanteng pangangailangan ko.

 â€œWhen I started working, I realized na mahirap pala ang mag-ipon. May mga biglaan kang gastusin at laging kailangan kang may nakatago in case of emergencies.

 â€œNoong nag-aaral naman kasi ako, provided ng parents ko ang lahat ng panggastos. Ngayon na nagtatrabaho na ako, I am on my own. Kung ano ang gastos ko, I keep track para alam kung saan pumupunta ang perang pinagtrabahuhan ko.”

Kahit galing sa isang marangyang pamilya si Rafa, hindi raw siya pinalaking spoiled brat ng kanyang mga magulang.

“Pareho kami ng sister ko na hindi laki sa layaw. May fixed amount lang sila na ibinibigay sa amin. It’s up to us to really be responsible for it. Kaya natuto kaming maging thrifty. Tsaka pinakaimportante ay may naiipon kami.”

Adam Levine at James Franco umalma sa pakikipag-sex kay Lindsay Lohan

Super-deny ang The Voice coach at front man ng Maroon 5 na si Adam Levine na isa siya sa naging sexual conquest ng Hollywood actress na si Lindsay Lohan.

Kabilang si Levine sa 36 male celebrities na kasali sa “sex list” ni Lohan.

Kasalukuyang naghahanda ang 35-year old rock star para sa nalalapit na kasal nila ng Victoria’s Secret supermodel na si Behati Prinsloo sa Mexico in July.

Sa isang interview ni Levine sa radio show ni Howard Stern, doon niya sinabi na walang katotohanan na nag-sex sila ni Lindsay Lohan.

“That’s not true. I did not have sexual intercourse with Lindsay Lohan!” diin pa ni Adam.

Hindi lang si Levine ang nag-deny na nakipagniig kay Lohan. Nag-deny din ang Hollywood actor na si James Franco na naka-sex niya ang aktres. Tinawag nga niyang “delusional” si Lohan.

“That’s because I think we’re being truthful about that very specific thing. A lot of people probably did, I don’t know,” sey pa ni Adam.

Bukod kina Levine at Franco, nasa listahan din na naka-sex ng 27-year old actress ay sina Joaquin Phoenix, Zac Efron, Colin Farrell, and the late Heath Ledger.

Show comments