Naloloka na! Bahay ni female starlet na bigay ng dating karelasyon, gustong bawiin ng misis
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - June 24, 2014 - 12:00am

Worried ang isang female starlet dahil baka mahanap ng misis ng lalaking nakarelasyon niya noon ang kanyang bahay ngayon.

Pitong taon na nagkaroon ng relasyon ang female starlet sa isang lalaking may-asawa at binigyan nga siya ng bahay na nagsisilbing love nest nila.

Ang lalaki ay nakadikit noon sa isang powerful na celebrity kaya malaki ang kinita nito at nabigyan niya ng bahay ang kanyang kabit na female starlet.

Pero noong magtapos na raw ang relasyon nila ng lalaki, iniwan na ang bahay sa female starlet.

Ngayon ay nakarating sa female starlet na hinahabol ng misis ng kanyang dating nakarelasyon ang bahay.

Nakapangalan pa rin pala ito sa lalaki at hindi pa nai-transfer sa name ng female starlet.

Kaya hindi alam ng female starlet ang kanyang gagawin. Hindi naman niya puwedeng ibenta ang bahay dahil hindi pala nakapangalan sa kanya ang bahay.

Kung makuha nga ng misis ng lalaki ang bahay, mawawalan ng tirahan ang female starlet at mapipilitan itong mangupahan o bumalik siya sa jologs niyang pamilya.

Ricky tuhog sa indie

Nagpapasalamat ang actor-director na si Ricky Davao dahil sa sunud-sunod na mga trabaho na kanyang natatanggap ngayon.

Bukod sa siya ang director ng afternoon teleserye na Dading na pinagbibidahan ni Gabby Eigenmann, abala rin siya bilang aktor dahil tatlo ang indie films na kanyang ginagawa para sa nalalapit na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2014.

Nasa entry siya na Marquina with Mylene Dizon; The Janitor with Dennis Trillo and Richard Gomez; and Separados with Alfred Vargas and Victor Neri.

“Iba-iba ang roles natin sa tatlong indies na ginagawa ko. Lead character ako sa Marquina. Sa The Janitor, kontrabida ako. Sa Separados, gay naman ang role ko.”

Ang huling dinirek na teleserye ni Direk Ricky ay ang Adarna na pinagbidahan ni Kylie Padilla. Matagal din bago ito nasundan kaya nagkaroon ng time si Direk Ricky na gumawa ng mga pelikula.

“Tinawagan ako at sinabing may ididirek na akong bagong teleserye at tungkol ito sa isang gay father.

“At first, skeptical ako sa material kasi it’s been done before. ‘Yung Tatay Kong Nanay with the late Dolphy and Niño Muhlach. Tapos last year lang may movie na Bekikang na tungkol din sa gay father and a child.

“The writers assured me that it will have a different flow. Though familiar na tayo sa story, bibigyan naman daw nila ng ibang twist,” diin pa ni Direk Ricky.

Kinatutuwa ni Direk Ricky na first time niyang maididirek si Gabby Eigenmann at hanga siya sa professionalism nito.

“I’ve worked with his dad, Mark Gil in many movies. Ganu’n din with his uncle Michael de Mesa and aunt Cherie Gil na nakatrabaho ko so many times sa pelikula.

“Tanging si Gabby lang ang hindi ko pa nakaka­trabaho and I had this privilege dahil ang husay niyang gampanan ang role as Carding.”

Tungkol naman sa kuwento ng Dading, malayo raw ito sa naging kuwento ng My Husband’s Lover kaya hindi ito dapat i-compare doon.

Prince William niregaluhanng Heirforce One ng lolang si Queen Elizabeth II

 Isang 2008 Agusta A109S Grand helicopter ang natanggap na regalo ni Prince William mula sa kanyang lola na si Queen Elizabeth II para sa kanyang ika-32nd birthday.

 Nagkakahalaga ang helicopter ng higit kumulang sa $13.6 million or 8 million pounds sterling.

Ito ang naisip na iregalo ni Queen Elizabeth II sa kanyang apo para hindi na raw sila mag-arkela ng helicopter kapag tuluy-tuloy ang trips nila ng kanyang asawang si Princess Kate Middleton.

Isang luxury helicopter ito na kayang magdala ng seven passengers. Makalilipad ito for four and a half hours at may maximum speed of 180 miles per hour and can reach a maximum distance of about 530 miles.

Ang tawag nga rito ay Heirforce One.

 

BAHAY DIREK RICKY FEMALE GABBY EIGENMANN HEIRFORCE ONE KANYANG PRINCE WILLIAM QUEEN ELIZABETH
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with