Jillian Malabo na agad ang mga mata sa kababasa

Kaya pala laging nakapikit si Jillian Ward kapag tumitingin sa malayo ay dahil parehong malabo na ang kanyang dalawang mata na may gradong 200.

Mahilig daw kasi siyang magbasa kahit sa madilim ng mga series ng librong Dark Diaries at Diary of the Wimpy Kid, na siya mismo ang bumibili na sinusubaybayan niya kahit noon pa.  Kaya sa edad na 9 years old ay na-develop na ang astigmatism niya.

Bukod sa pagbabasa ng books, hilig din nito ang kumanta na in fairness sa bagets ay talagang maganda na ang boses nito, kahit hindi pa siya nag-a-undergo ng voice lessons. Alam na niyang kantahin ang I’m Telling You, at One Moment in Time ni Whitney Houston. Ngayon naman ay inaaral daw niya ang Where Do Broken Hearts Go.

Pero gusto raw niyang maging chef paglaki niya, tulad ng kanyang mommy at daddy na may restaurant business. Mahilig siyang makigulo sa kusina habang nagluluto ang parents niya ng paborito niyang ulam na California Steak.

Wala pa raw siyang crush, pero kapag may nanligaw daw sa kanya ay basted agad ito sa kanya.

Okey naman sa kanya kung sakaling mag-showbiz ang dalawa niyang kapatid na sina Jermaine at Jenel na depende raw kung papayagan ito ng daddy nila.

Samantala nilinaw ni Jillian na hindi My Best Friend Forever ang meaning ng bago niyang palabas na My BFF sa GMA 7, kundi My Best Friend’s Family. Kasama niyang nagbibida dito si Mona Louise na malapit nang mapanood sa Kapuso Network.

Jennica binibigyan ng trabaho ng Kapamilya

Ilang beses nang napapanood si Jennica Garcia sa Banana Nights sa ABS-CBN, pero wala pang kumpirmasyon kung lilipat siya sa nasabing network.

Basta ini-enjoy lang niya ang pagpapatawa sa comedy show ng ABS-CBN, na hindi raw na-explore ang comedy side niya ng GMA Network.

Pero may nakahanda siyang gagawin sa Malaala Mo Kaya, kaso lang nabago ang script kaya hindi pa nasimulan.

Excited na si Jennica sa magandang pagkakataon na makaarte sa MMK. Wish niyang matuloy ito pero wait muna siya dahil hinahanapan pa siya ng magandang material at role na babagay para sa kanya. Kaya thankful ang anak ni Jean Garcia sa blessings na hindi niya inaasahan sa ABS-CBN.

Show comments