^

Pang Movies

Mayor Herbert kasali na sa family dinner ng mga Aquino!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang dami na namang naguluhan sa latest photo na nai-upload ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Sa larawan ay makikitang nasa hapag-kainan ang buong pamilya niya including President Noynoy Aquino. May photo caption ito na “family dinner”.

What’s intriguing ay naroroon sa “family dinner” na iyon si Quezon City Mayor Herbert Bautista. Actually, nasa pinaka-dulo siya ng table kaya medyo malabo na ang face niya pero sa mga komento ng netizens, they were all saying na si Bistek nga iyon.

And mukhang si Bistek nga dahil nakasalamin din ito. Makikita nga sa picture na masaya siyang nakikipagkuwentuhan sa mga ate ni Kris habang kumakain.

Noong isang araw lang ay may post si Kris na parang nagpapahiwatig na may relasyon sila ni Derek Ramsay kaya nabaling sa aktor ang atensiyon ng lahat.

Ngayon ay muli na namang nabalik kay Bistek dahil sa latest post na ito ni Kris. Bakit nga naman nasa family dinner si mayor?

Well, walang katapusang guessing game ang drama ngayon ng love life ni Kris.

Gary V. walang malay sa kahawig na poster ni Daniel

Marami ang nagsasabi na parang Daniel Padilla ang dating ni Gary Valenciano sa poster ng kanyang ARISE, 3.0 concert kung saan ay nakasuot siya ng black hoodie jacket. May ganito rin kasing shot ang young actor na magkakaroon din ng concert sa Smart Araneta Coliseum ngayong Abril.

“Somebody else told me that too, that parang Daniel Padilla ang dating. But when I see it, I don’t see any similarity. I know he has a concert also, ’yung Dos, but it’s not like that,” sagot ni Gary V.

Ang kumuha raw ng picture na ginamit sa poster ay ang asawa ni Paolo, si Samantha habang ang anak niya ang lightman. Eh kaso, hawak-hawak lang daw ni Pao ang ilaw at nakaipit pa nga minsan sa singit nito.

“So, I call it the singit lighting effect,” natatawang sabi ni Gary.

Nakakatuwa nga raw ang hitsura ni Pao habang humahawak ng ilaw with matching puruntong shorts.

Pero wala naman daw issue kung sakaling sinasabi mang parang Daniel ang dating niya. And hindi raw siya nanggagaya dahil hindi niya naman nakita earlier na may ganitong picture ang Kapamilya heartthrob, otherwise ay hindi raw niya gagawin.

Miguel hinuhulma nang bagong leading man sa Kapuso

Binatilyo na si Miguel Tanfelix, ang homegrown talent ng GMA Artist Center at matatandaang hinirang na First Prince sa StarStruck Kids noon.

Marami pa nga rin ang nakakaalala kay Felix bilang ibong si Pagaspas sa Mulawin years back. Ito ang nagsilbing claim to fame ng bagets na siya ring first major project niya sa Kapuso.

Ngayon ay 15 years old na si Miguel at isa sa ginu-groom ng GMA 7 para maging pambatong leading man someday. In fact, binigyan na siya ng network ng ka-love team — si Bianca Umali — at mapapanood sila sa teleseryeng Niño.

ARTIST CENTER

BIANCA UMALI

BISTEK

DANIEL PADILLA

DEREK RAMSAY

FIRST PRINCE

GARY V

GARY VALENCIANO

KAPUSO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with