Tessie ayaw magka-apo?!

MANILA, Philippines - Markado ang role ng child star na malapit nang magbinatang si Miggs Cuaderno sa teleseryeng Kambal Sirena. Pinakawalan niya ang gumaganap na Louise delos Reyes noong bata pa nang mahuli sa lambat ng ama niyang mangingisda. Noong lumaki si Migs sa serye, si Aljur Abrenica na ang gumanap.

Napakagastos din ng mga eksena nila sa Kambal Sirena. Cute ang mga paglalangoy nila bilang taong isda.

Kapuna-puna rin ang character ni Tessie Tomas dahil bukod tangi siyang lola na sa halip mahalin ang apo ay tinatawag pang sardinas. Wala siyang kaligayahan na magkaroon ng apo kaya marahil siya ganun.

Personal…

Happy 100th year birthday kay Lolo Avelino Gaisano ng Capihan, San Rafael, Bulacan. Binabati siya ng mga anak na si Cora Gaisano, kilalang espasol at suman maker sa Baliuag.

                               

 

Show comments