ALISTO! mapapanood tuwing Martes na

MANILA, Philippines - Mapapanood na ang Alisto sa bago nitong timeslot, tuwing Martes, simula Marso 25, kasama si Arnold “Igan” Clavio sa paglalantad ng mga makapigil-hiningang eksena, madugong disgrasya, at pasaway na motorista.

Idinisenyo ang mga pedestrian lane para sa mas ligtas na pagtawid sa kalsada pero may mga taong inaabot pa rin ng disgrasya. Sino nga ba ang pasaway kaya patuloy na nagkakaroon ng ganitong mga trahedya?

Ilang walang disiplinang drivers naman ang sige pa rin sa pakikipag-karera kaya ang madalas na resulta ay salpukan sa kalsada. Ano nga ba ang mga dapat tandaan para mas maging ligtas ang biyahe ng mga motorista?

Abangan ang lahat ng ito at palaging maging alisto sa bagong timeslot ng Alisto, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

 

Show comments