Aktres ingat na ingat sa bangs kapag bino-blower

Naisiyete ng isang hairdresser na may kakaibang istilo sa kanyang buhok ang magandang aktres na ito. Kapag bino-blower ang buhok ay ayaw nitong ipagalaw ang bangs. Medyo manipis kasi ang buhok ng aktres.

May pagkakataon pa ngang hinahawakan nito ang bangs para hindi ma-blower. Maganda naman ang ayos ng buhok ng aktres kapag natapos nang i-blower. Sa buong pag-aartista nito, hindi puwedeng wala siyang bangs dahil ito ang nagbibigay ganda sa kanyang buhok at mukha.

Pancho enjoy sa pagiging kontrabida

Nakakuwentuhan namin sa set ng Kambal Sirena si Pancho Magno na kontrabida na naman sa teleserye. Ayon sa aktor, maganda naman ang nilalabasang character role dahil napapaglaruan ang karakter na ginagampanan.

Tatlong taon na si Pancho sa showbiz at maganda naman ang takbo ng career. Lumabas na ito sa Kasalanan Bang Ibigin Ka, Amaya, at iba pa.

Tapos ng nursing ang aktor kaya may fallback sakaling iwan man ang showbiz.

Sa Kambal Sirena ay mabait ang role ni Pancho pero nasa loob pala ang kulo. Enjoy naman ang aktor sa kanyang trabaho lalo na at inspirado siya dahil may nagpapasaya sa kanyang buhay, si Max Collins.

MTRCB, 14 members galing sa media at showbiz

Sa 32 officers and members ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), 14 ang galing sa showbiz at media na ang vice chairman ay si Maning Borlaza at chairman naman si Atty. Toto Villareal. Ang executive director ay si Victoriano Muring, Jr.

Ang iba pang bumubuo sa media at showbiz ay sina Mario Hernando, Tessie Villarama, Leah Navarro, Liezl Martinez, Bobby Andrews, Glady Reyes, at Jackie Aquino.

Ang mga writer ay sina Bibeth Orteza, Marra Lanot, at Krip Yuzon. Si Joey Romero, Manny Buising, Benny Tarnate, at Maloli Espinosa, at kabilang pa rin sa MTRCB members.

Show comments