Sexy starlet napasabak sa event na Inglesan nang Inglesan ang mga kasama, nagpawis ang buong damit sa tensiyon!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - February 3, 2014 - 12:00am

Muntik nang dumugo ang ilong ng sexy starlet nang isama siyang mag-host sa mga nag-i-Inglesan sa isang company party kamakailan.

Naloka ang sexy starlet dahil hindi niya alam na Inglesan pala ang tinanggap niyang raket. Mabuti na lang daw at mabenta ang ganda niya sa mga lalaki sa naturang company party kaya dedma na sila sa kanyang “Carabao English”.

Malaki ang talent fee na ibinayad sa sexy starlet dahil last-minute replacement siya sa isang model na biglang nagkaroon ng mas malaking raket. Since wala nang makuha ang talent coordinator ng party, tinawagan na lang niya ang sexy starlet na naghahanap ng raket sa kanya noong isang araw lamang.

Papasa ang ganda ni sexy starlet sa audience. Kumpara sa mga nakasama nito sa event, standout ang beauty niya. ’Yun nga lang, huwag na lang sana siyang masyadong chumika dahil mabubuking na konti lang ang baon niyang English words.

Para hindi mag-back out ang sexy starlet, hindi sinabi ng coordinator na mga Inglesero’t Inglesera ang makakasama niya sa event.

Noong isinalang na ang sexy starlet, nataranta agad ito sa English ng mga kasama niya. Pero hindi niya pinahalata na nai-stress siya dahil panay ang pagpapa-picture niya sa mga kalalakihan sa event.

Kapag humihirit siya ng Ingles, dinadaan na lang niya sa pagpapatawa para hindi mahalata ang kakaibang accent niya kapag binibigkas niya ang English words.

Natapos din ang event at napabuntong hininga na lang ang sexy starlet. Basang-basa ng pawis ang suot niya dahil sa tension na ibinigay sa kanya.

Noong magkita sila ng coordinator para iabot ang talent fee niya, nagtawanan na lang sila at sinabi nito na kung hindi lang daw bongga ang TF niya sa raket na iyon, agad-agad ay sasakalin niya ang talent coordinator dahil halos duguin ang buong katawan niya sa walang patumanggang Inglesan ng mga kasama niya sa event. 

Jolina pinili ang pangalang ‘milagro’ para sa anak

Marami na ang naghihintay sa magiging baby boy ng mag-asawang Mark Escueta at Jolina Magdangal-Escueta.

Feb. 18 ang due date ng first baby ni Jolens pero anytime raw ay puwede na siyang manganak. Nag-leave na si Jolens sa kanyang hosting job sa Sunday All Stars at hindi na siya tumanggap ng anumang mabigat na trabaho sa TV dahil gusto niyang magkaroon ng maayos na pagbubuntis.

Nakapili na ng name ang mag-asawa para sa kanilang baby boy at ito ay Pele Iñigo. Isa itong Hebrew name na ibig sabihin ay “miracle”.

Ikinasal sina Jolina at Mark noong November 2011 at noong July 2013 lamang siya nabuntis.

Excited na ang dalawa dahil sa magiging first time parents na sila.

 

CARABAO ENGLISH DAHIL INGLESAN JOLENS JOLINA JOLINA MAGDANGAL-ESCUETA LANG NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with