Party ni Pacman inumaga!

MANILA, Philippines - Bonggang-bongga ang natapos na victory celebration na bigay ni Gov. Chavit Singson para sa kaibigang si Cong. Manny Pacquiao dahil sa panalo sa nakaraang laban.

Siyempre pinaunlakan ni Rep. Manny ang paghahanda sa kanya kahit na bising-busy dahil galing pa siya sa Tacloban City nang personal niyang ipamahagi ang relief operations doon.

Sa totoo lang, surprise party ang ibinigay ni Gov. Chavit sa kaibigan sa big tent ng Metrowalk sa may Ortigas Center sa Pasig City. Talagang SRO at attended by close friends from showbiz at lahat yata sa Singson family ay naroon.

Maagang dumating sa party sina Gloria Romero, Daisy Romualdez, Danita Paner, Henry Chua, Lily Chua, Sen. Bong Revilla, Jr., Phillip Salvador, Amay Bisaya, Vina Morales, Tina Revilla-Valencia and husband. Nadatnan naman namin si Jean Saburit dahil siya ang nag-i-entertain sa mga guest.

Before dinner, dumating si Mayor Joseph Estrada with friends. Si Gov. Chavit ang nag-escort sa kaibigan. They sat together at the presidential table. Naki-join sa kanila ang Pambansang Kamao after siyang maki-picture-taking sa mga bisita. Masayang-masaya ang mga bisita dahil sa game ang showbiz stars.

Mawawala ba ang kantahan ng mga bisita? Si Cong. Manny mismo ay nag-perform ng ilang numbers. Natapos ang party ng umaga na.              

 

Show comments