Angel, ‘di kasama ang ‘dyowa’ sa Singapore

Pinabulaanan ni Angel Locsin ang balitang kasama niya ang manliligaw na pulitiko from the South sa kanyang pagtungo sa Singapore nitong Kapaskuhan.

Ang kasama nito ay buong pamilya — ama, kapatid, ilang kamag-anak, ilang taga-Toda Max para magkaroon sila ng bonding. Bale regalo ito  ni Angel sa pamilya at ilang kamang-anak at kaibigan.

Camille ‘nilapitan’ ng pag-ibig

Dati palang classmate ni Camille Prats ang kanyang nobyong si VJ Yambao sa OB Montesorri noong Grade II sila. Lumipat sa ibang eskwelahan ang nobyo kaya hindi na sila nagkita pa. ‘Yun pala hindi nila alam na nakatira lang sila sa isang village hanggang nagkita sila at nagkausap.

Nagsimula ang kanilang magandang pagkakaibigan hanggang nagtuloy ang communication sa social media. Hanggang umusbong ang isang pag-ibig.

Ayon kay Camille hindi niya hinanap ang lalaking mamahalin kundi kusa itong dumating sa buhay niya. 

Ngayong buwan ay magsi-six years old na ang anak na si Nathan at natutuwa ang aktres dahil magkasundo sila ni VJ.

‘‘Sobrang bait niya sa aking anak at lagi siyang nasa tabi  ni Nathan,’’ anang Camille.

Sa kabilang banda natutuwa si Camille dahil hindi siya pinababayaan ng GMA 7 dahil malapit na siyang mapanood sa The Borrowed Wife sa Afternoon Prime kung saan makakasama si TJ Trinidad, Rafael Rosell, at Pauleen Luna.

Show comments