Anak-mayaman mahilig sa martial arts

MANILA, Philippines - Action-drama ang hilig ni KC Concepcion at tagahanga siya ni Angelina Jolie. Hindi natin aakalaing ang magandang babae at anak-mayaman like KC ay magkakahilig sa martial arts. No wonder hindi siya puwedeng loko-lokohin lang ng kahit sino.

Kuwento ni KC, ’yung mga hindi nagagawa ng mama niya ay itong mga ginagawa niya ngayon. Nagpa-seksi siya dahil may karapatan naman at nakipag-kissing scene kahit mabilisan lang.

Magandang makipag-usap at propesyonal ang dalaga. Noong mag-concert silang mag-ina sa ibang bansa, sinabi sa producer ng Shoot to Kill: Boy Golden na si Mylene Enriquez na babalik sila sa takdang araw ng shooting. At ginawa nga.

Kasali rin sa cast Tonton Gutierrez at napahanga siya sa galing kumanta ni Prima Diva Billy na discovery ni katotong Jobert Sucaldito. Nawala ang antok at inip ng mga dumalo sa presscon.

Hindi rin nagpatalo isa pang discovery ni Jobert na si Michael Pangilinan. Akala tuloy ay may concert sa presscon. Pinawi ng dalawang singers ang antok at inip dahil na-late ang bidang si Gov. ER.    

Show comments