Vic malamig ang pasko

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado sa Vampire ang Daddy Ko, papalapit na ang Pasko at mukhang ‘malamig’ ang Pasko ni Victor (Vic Sotto). Kaya’t nagaalala si Sonya (Pilita Corales) para sa kanyang anak na magiging malungkot ito. Kaya naman kumonsulta sila ng manghuhula at sinabi nitong nasa paligid lang ang babaeng para sa kanya.

Samantala, ang pamangkin ni Omma (Jacque Oda) na si Maria (guest: Sam Pinto) ay darating upang bumisita at makipasko. Si Maria ay isang palaban at talagang kaakit-akit na babae na hindi natatakot kahit sa mga bampira. Hindi naging maganda ang unang pagkikita nina Maria at Victor ngunit si Sonya at kahit si Vlad (Oyo Sotto), ay nag-iisip na maaaring si Maria ang magpupuno sa mga pangangailangan ni Victor kaya naman susubukan nilang ayusin ang dalawa.

Si Big (Ryzza Mae Dizon) naman ay nag-iisip na kung ano ang hihilingin niya kay Santa sa Pasko.

Ano kaya ang hiling ni Big kay Santa? Si Maria na kaya ang papalit sa pwesto ni Jinri sa puso ni Victor?

Huwag palalampasin ang mga mangyayari ngayong Sabado sa Vampire ang Daddy Ko pagkatapos ng Picture! Picture! dito lang sa GMA7.

Show comments