Andi takot na takot sa selos ni Jake
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 28, 2013 - 12:00am

Napaiyak si Andi Eigenmann habang iniinterbyu ng TV crew sa premiere night ng When the Love is Gone last Tuesday night. Sa panayam ng Umagang Kay Ganda na ipinakita kahapon, ang dahilan ng pag-iyak ng aktres ay dahil sa blind item ng isang blogger na nakikipagkita siya sa kanyang ex-boyfriend.

Ang tinutukoy daw ng blind item ay si Andi at ang ex ay si Albie Casino.

Sa malas ay napaiyak si Andi dahil worried siya na baka makaapekto ito sa relasyon nila ni Jake Ejercito.

“Ginagawa ko naman po ang lahat ng makakaya ko. Sana malaman niya po na. . .sana, he will be smart enough to know whom to believe. Marunong naman po akong matuto sa mga pagkamamali saka hindi naman porke’t nagkamali na ako dati eh hindi na ako puwedeng maging better,” say niya.

Obviously, ang tinutukoy ni Andi ay si Jake.

Pero say niya naiintindihan naman niya na parte ng trabaho niya ang intriga.

“I’m in showbiz and I’m an actress, naiintindihan ko naman po ‘yon. It’s just sometimes they say things that hurt me because it hurts the people that I love,” she said.

We’re just wondering kung sobra bang selosong tao ni Jake para mag-worry nang ganito si Andi o talaga lang labis-labis ang pagmamahal niya sa binatang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada?

Pero teka, parang hindi namin ma-recall na uma­min na si Andi na sila na ulit ni Jake.

Showing na sa mga sinehan ang pelikula nilang When the Love is Gone.

Andrea si Maria Clara ang dinasalan para manalo ng award

Na-touch naman kami kay Andrea Brillantes sa kwento niyang a day bago ganapin ang 27th Star Awards for TV ay nag-alay daw siya ng itlog sa Santa Clara at nag-pray na sana ay manalo siya.

Ginanap last Sunday ang Star Awards for TV kung saan ay itinanghal ngang Best Child Actress si An­drea para sa pagganap sa Annaliza.

Nung gabi ng parangal ay sobrang kabado raw siya talaga dahil magagaling din daw ang kanyang kalaban. Nung tinawag nga raw ang name niya ay hindi siya makatayo agad dahil halu-halo na ang kanyang naramdaman.

“Maraming-maraming salamat po talaga. Ang saya-saya ko,” she said nang makausap namin last Monday sa telepono.

Ritz hindi malimutan ang pag-uulam ng chichiria noon

Hindi nahiyang aminin ni Ritz Azul na grabe ang naranasan nilang paghihirap noon. Nagtitinda lang daw dati ng saging na saba ang tatay niya sa harap ng bahay nila at naranasan daw nila ang mag-ulam ng kung anu-anong chichiria.

Kaya naman sobrang thankful and blessed ni Ritz nang mapasok siya sa Star Factor at maging contract star ng TV5. Since then ay nagsunud-sunod na ang project niya sa Kapatid network at kasalukuyang napapanood sa For Love or Money every Thursday with Derek Ramsay and Alice Dixson.

At 20 ay wala pang boyfriend si Ritz pero matured role na ang ginagampanan niya sa FLOM bilang asawa ni Derek. Kapansin-pansin nga sa serye na nag-improve na ang acting niya.

Ngayong Huwebes, sa FLOM, babalik na si Edward (Derek) kay Roselle (Ritz) at magseselos sa makikitang closeness ng asawa sa kanyang kaibigan.

Si Edward naman ay patuloy pa rin ang pakikipagrelasyon sa asawa at sa mistress na si Kristine (Alice). This time ay natanggap na ni Kristine ang pagi­ging kabit niya sa buhay ni Edward.

ALBIE CASINO ANDI ANDI EIGENMANN ANDREA BRILLANTES BEST CHILD ACTRESS NAMAN NIYA STAR AWARDS WHEN THE LOVE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with