Marian nagbibilang ng best actress award

Congratulations sa GMA Primetime Queen Marian Rivera for winning the best drama actress award mula sa 27th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Sunday evening sa AFP Theater in Camp Aguinaldo, Quezon City. Biro namin kay Marian sa text, sulit ang mga mga sampal, sabunot, at pananakit na tinanggap niya sa role niya bilang sina Angeline at Chantal sa Temptation of Wife.

Bale second best actress award ito na natanggap ni Marian this year. Una sa epic serye niyang Amaya mula sa 2012 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (Enpress). 

Kahit puyat, kahapon ay nagpunta si Marian sa Cebu para sa pamamahagi ng relief goods ng Kapuso Foundation, Inc. doon.

Susunod naman ang Asian Television Awards na gaganapin sa Singapore kung saan nominated na best actress sina Lorna Tolentino (Pahiram ng Sandali) at Marian (Temptation of Wife). Co-nominees nila ang actresses from Taiwan, Malaysia, and Hong Kong. Hindi makaka-attend si Lorna dahil sunud-sunod ang taping nila ni Dingdong Dantes ng mahihirap na eksena sa sci-fi human drama nilang Genesis.

Inaayos naman ni Marian ang kanyang schedule sa taping ng new soap niyang Catarina (tentative title), para maka-attend siya ng awards night sa Dec. 5 sa Resorts World Sentosa sa Singapore.

Arnell awang-awa sa kaibigang mayaman na tulala, bahay at restaurant hindi naisalba sa Tacloban

Naka-relate si Arnell Ignacio sa role niya bilang patriarch na si Gomez Addams sa musical play na Addams Family ng Viva Atlantis na mapapanood pa this weekend sa Meralco Theater from Nov. 29 to Dec. 1. Wife niya si Eula Valdez as Morticia at anak nila si Wednesday (K-La Rivera) na na-in love sa isang normal guy at nakiusap sa kanyang huwag sabihin sa ina na may boyfriend na siya eh never nagtago ng secret si Gomez kay Morticia. 

Kaya nang kantahan niya si Wednesday, napaiyak siya pero ang ganda-ganda pa rin ng boses ni Arnell at masasabing kanyang-kanya ang Meralco stage. Dahil kaya sa anak na si Sofia na teenager na rin ngayon, kaya naka-relate si Arnell?

Na-in love na raw siya as a stage actor kaya hindi iyon ang last niyang gagawin, he will audition for another play na gagawin pa rin ng Viva Atlantis. More than the talent fee, ang pa­lakpakan at standing ovation ng mga kilalang theater actor na nanonood sa kanila ang tama na sa kanya. This Sa­tur­day and Sunday, may matinee show sila at 3:00 p.m., regular show at 8:00 p.m. 

Naikuwento ni Arnell after ng performance niya na nag-try siyang mag-volunteer ng saksakyan niya para sa mga nasalanta ng bagyo na nasa Villamor Airbase pero ang dami-dami pa palang pagdadaanan bago makapag-register. Kaya tumulong na lamang siya in his own way. May dumating din siyang isang friend kasama ang wife and son nito from Tacloban at sa kanyang bahay na nag-stay ng four days. 

Awang-awa raw siya sa friend niya. Mayaman daw ang mga ito pero walang naisalba sa bahay at restaurant nito kaya raw makikita mong tulala sila sa trauma na pinagdadaanan. Tinulungan niyang makaalis ang mga kaibigan at makapunta ng Cebu dahil may relatives sila roon.

 

Show comments