Edu ayaw ng teleserye pero payag sa mala-OTJ na pelikula
FREE LANCER - Emy Abuan Bautista (Pang-masa) - September 10, 2013 - 12:00am

Si Edu Manzano ang host ng bagong comedy talk show ng TV5 na What’s Up Doods? Iba’t ibang comedy sketches ang gagawin at magkakaroon ng challenges mula sa social netizens.

Mas enjoy siya sa pagiging host na lang at ayaw nang mag-teleserye.

Ayon pa sa actor-TV host, ‘‘I’m sorry now. Magdamagan kasi ang taping ng teleserye and I would like to spend more time with my kids,” sabi niya noong Linggo na launching ng mga bagong programa ng TV5.

Pero willing pa rin naman siyang gumawa ng pelikula.

“Siguro puwede akong lumabas sa pelikula o indie film at na-inspire ako sa ganda ng On the Job,” sabi ng aktor-TV host.

Samantala, masaya si Sharon sa programa nila ni Ogie Alcasid na The Mega and The Songwriter.

Magpo-focus ang programa nila sa OPM songs. Magkakaroon din sila ng guests na kakantahin ang mga awitin nina Sharon at Ogie.

Hindi naman sumipot sa launch ng mga bagong show si Vic Sotto at kanselado rin ang presscon nitong Who Wants to be a Millionaire. Ang katuwirang kumakalat ay baka matanong siya tungkol kay Wally Bayola.

Sayang, inaabangan pa naman siya ng seven-year-old daughter ni Gerard Ramos na idolo pa naman si Vic o si Enteng Kabisote.

Tanong nang tanong ang bata kay Enteng at gustong magpakuha sila ng picture.

ENTENG KABISOTE GERARD RAMOS MEGA AND THE SONGWRITER OGIE ALCASID ON THE JOB UP DOODS VIC SOTTO WALLY BAYOLA WHO WANTS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with