Memorable para kay KC Concepcion ang eksenang ikakasal sila ni Eros (Sam Milby) sa Huwag Ka Lang Mawawala dahil halos buong cast ay nasa simbahan at sa kanya nakatuon ang atensiyon ng lahat.
“Doon ko po na-realize kung gaano kabigat ’yung cast na kasama ko rito, ’yung nandito sina Tito Pip (Tirso Cruz III), Tita Coney (Reyes), nandoon silang lahat, even Empress. Ang dami-dami nila roon. Doon ko po na-realize na, wow, this is a great opportunity for me to learn from these veteran actors and ’yun din po ’yung sinabi ni Mom (Sharon Cuneta) sa akin, na ‘You go there and you ask your questions. This is your chance to ask them about the craft.’
“Marami na rin po kasi ako naririnig na ‘Ano bang ginagawa mo rito, hindi ka naman marunong umarte? Hindi ka naman kasing galing ng magulang mo,’ and so many other things.
“Kaya thank you so much Tito Deo (Endrinal, head ng Dreamscape na siyang unit ng Huwag Ka Lang…), thank you Dreamscape, and Ate Juday (Judy Ann Santos), hindi ninyo ako talaga pinabayaan dito, naramdaman ko talaga ’yung alaga and, admittedly, hesitant po talaga ako, baka kung ano gawin sa akin dito kasi nasa kanila ’yung power to make or break me or any artist,†kuwento ni KC.
Ayon pa sa young actress, sa seryeng ito ay nagkaroon siya ng self-confidence sa kanyang pag-arte.
“I can say na minahal ko ’yung acting, ’yung craft, ’yung mga taong nakikita at nakakatrabaho ko, napakaganda ng feeling talaga.
“This is a launching path for me, new beginning na hinihintay ko talaga,†pahayag ng singer-actress-TV host.
Ngayong Friday na magtatapos ang kanilang serye at inanunsiyo na may next project na agad si KC.
Jolo lumusong sa baha hanggang bewang, Angel at Regine aktibo sa pag-a-update
Ang laking pinsala talaga ang idinulot sa bansa ng bagyong si Maring at ng habagat dahil sa walang tigil na ulan simula pa noong Sunday night. Sa showbiz, halos lahat ng events ay kanselado including Ang Huling Henya premiere night na naka-schedule sana kagabi (Tuesday) sa Gateway and Glorietta 4.
Ang It’s Showtime ay hindi nakapag-live kahapon at replay ang kanilang ipinalabas.
Sa mga social media naman, abut-abot ang posts ng mga artista tungkol sa mga nangyayari sa paligid. We saw a picture uploaded by Congresswoman Lani Mercado of her father-in-law, Sen. Ramon Revilla, Sr., na nasa wheelchair at tila nasa harap ng bahay nila sa Imus, Cavite na pinapasok na ng baha at may caption na, “We tried to transfer Daddy yesterday to higher ground but he refused. ‘I’m brave,’ he said.â€
Nakakita naman kami ng picture ni Cavite Vice GoÂvernor Jolo Revilla na nakalusong sa hanggang bewang na baha sa Cavite at tumutulong sa rescuers para iligtas ang mga taong nalubog ng baha sa kanilang lugar.
Sa mga ganitong panahon ay malalaman mo kung sino sa mga artista ang may concern sa nangyayari sa paligid at kung sino ang aktibo sa pagtulong.
Isa rin si Angel Locsin sa mga nakita naming aligaga sa pag-tweet ng affected areas, gayundin si Regine Velasquez. Ang iba naman ay tumatalak at sinisisi ang mga government official na hanggang ngayon ay hindi masolusyunan ang problema ng baha sa tuwing umuulan.
Si Angeli Pangilinan ay nag-tweet na ang Tuesdays with Gary sa Teatrino at Promenade, Greenhills, San Juan ay magiging fund-raiser na para sa mga nabiktima ng baha at naroroon daw si Gary Valenciano himself to receive the donations. Good job, Angeli and Gary!
Hopefully, tumigil na ang ulan at ipagdasal na lang natin na huwag nang lumala pa ang sitwasyon.