Vilma aminadong spoiled ang big stars at kinakawawa ang mga umeekstra lang
- Vinia Vivar (Pang-masa) - August 10, 2013 - 12:00am

Aminado ang Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos na sa tinagal-tagal niya sa industriya, iba’t ibang extra na ang nakasama niya sa pelikula. In fact, ’yung nag-double nga sa kanya sa Darna many years ago, ’yung anak nito ang siyang nag-double naman sa kanya sa The Healing.

In the many years that she’s been in the business, nasaksihan niya talaga na iba ang trato sa kanilang big stars at sa mga extra sa movie.

“Hindi na lang ako magsasabi ng produksiyon. Kung minsan kasi, kaming mga artista, spoiled kami eh. Unang-una, ang taas-taas ng bayad namin. Pangalawa, pagdating mo sa set, alam naman po nating lahat ito sa industry, tama? Ang trato sa iyo, iba. May tent ka, noong araw na wala pang tent, pero they made sure na mayroon kang kwarto, may aircon ka. Pagdating mo, itatanong sa ’yo kung ano ang gusto mong pagkain at ipapabili ang pagkain na ’yan for you. So, talagang special ’pag ikaw ang star.

“Pero kasi nakita ko ang mga extra kung minsan, darating ka sa set, totoo ’yung nasa scene (sa indie film niya), hindi nila alam kung saan sila ilalagay,” kuwento ni Vi sa presscon ng Ekstra: The Bit Player.

Minsan daw, kapag sa kalye ang eksena, dadatnan niya ang mga extra na nakaupo lang sa gutter ng kalsada at kung may ilang oras na raw ang mga ito roon.

“Doon na sila nagme-makeup sa bangketa,” she said.

Kapag magdamagan ang shooting, ang big stars ay alagang-alaga ay may mga Lipovitan pa at kung anu-anong pagkaing masasarap. Pero ang mga extra raw ay nakikita niyang isang pandesal, isang itlog, at kape lang ang ibinibigay samantalang more than 12 hours na raw na nasa set ang mga ito.

“So, whether we like it or not, alam naman natin ang sitwasyon ng mga extra. In my own little way, mayroon din akong ginagawa but I’d rather not talk about it kasi hindi magandang pag-usapan pa. Pero alam ko, deep in me, sa mga nakakasama ko sa mga pelikula ko, palagay ko, alam nila ’yun.

 â€œHindi ko man mabigay lahat ’yung mga importansya for them or ’yung mga pangangailangan nila, alam nila na isa sila sa nirerespeto ko ’pag nasa set ako bilang bida ng pelikula,” pahayag pa ni Ate Vi.

Pinatotohanan naman ng mga extra na kasama sa pelikulang Ekstra kung gaano nga kabait at kahusay makisama si Ate Vi sa kanila during the shoot dahil kanya-kanya sila ng kuwento tungkol sa napakagagandang experience nila with the Star For All Seasons.

Samantala, mapapanood sa pelikulang Ekstra kung paano ang buhay ng mga bit player sa pelikula na ipalalabas na nationwide on Aug. 14, mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.       

Koreanovela ginawang halimbawa sa serye nina Daniel at Kathryn

Sa pagpasok ng Got to Believe nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo sa Aug. 26 ay magkakaroon na naman ng adjustment sa primetime programming ng ABS-CBN.

Mapupunta na sa third slot ang Muling Buksan ang Puso nina Julia Montes, Enrique Gil, and Enchong Dee at siyang makakatapat ng My Husband’s Lover.

Bago pa man intrigahin ang pagtatapat ng dalawang serye, gusto na na­ming ipaalam sa televiewers na 13 weeks lang din ang original length ng Muling Buksan kaya madali rin itong matatapos.

“Para lang siyang Koreanovela,” sabi ng Dreamscape head na si Deo T. Endrinal.

Ayaw na nilang mag-stretch pa para hindi na rin lumalaylay ang kuwento na kung kami ang tatanungin ay mas gusto namin. Sa totoo lang, kaya gustung-gusto rin namin ang mga Koreanovela ay dahil hindi nila ito pinagtatagal sa ere para hindi lumaylay. Kapag na-solve na lahat ng issues, tapos na. Hindi na ine-extend pa. May mga pagkakataon na nag-e-extend sila pero bihirang-bihira at hanggang two episodes lang.

Now, ganito ang ginawa ng Dreamscape sa Muling Buksan ang Puso, talagang 13 weeks lang. Kaya baka may intriga na namang lumabas na tinapos ang serye nina Daniel at Kathryn dahil sa My Husband’s Lover. Ngayon pa lang ay ipinauuna na naming hindi ito totoo.

ATE VI EKSTRA KOREANOVELA KUNG LANG MULING BUKSAN MY HUSBAND
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with