Lucho nasanay na kontrabida

Nasanay sa mga kontrabida role ang Kapuso actor na si Lucho Ayala. Simula  pa noong gawin niya ang una niyang show sa GMA 7 na First Time, bad boy na ang role niya.

 Ngayon sa bago niyang show sa GMA 7 na Binoy Henyo ay mabait naman ang papel niya.

 â€œHindi naman mahirap ang pag-shift ng character kasi maamo naman daw ang mukha ko kaya walang problema sa good boy character.

“Thankful naman ako na nakasama ako sa show na ito kasi feel-good ito at maraming aral na makukuha ang mga parents at kids sa story ng Binoy Henyo,” say pa ni Lucho.

Matagal nga bago mabigyan ng bagong show si Lucho dahil priority nga niya ang kanyang pag-aaral.

Kasalukuyang tine-take up niya ang kursong communication arts sa University of the Philippines-Diliman.

Habang nagma-mature si Lucho ay nakakahawig na niya si Dennis Trillo. Ilang beses na nga siyang napagkakamalan na si Dennis, lalo na nga’t hit na hit ang primetime series na My Husband’s Lover.

Mel Martinez nagbukas ng sariling negosyo

Hindi masyadong abala sa paglabas sa TV  ngayon si Mel Martinez dahil busy sa pag-asikaso ng kanyang restaurant na Cucina ni Bunso na matatagpuan sa Scout Lozano Street along Tomas Morato, Quezon City.

Nagtapos ng culinary arts si Mel sa SKD Academy at nasa plano nga niyang magbukas ng sarili niyang negosyo at ang restaurant business ang kanyang gusto.

“Hilig ko ring kumain kasi. Mahilig ako mag-try ng mga bagong restaurant. Kaya naisipan ko na magtayo na ng sarili kong resto para ’yung mga hinahanap ko sa ibang restos ay magagawa ko,” diin pa ni Mel.

Ang Temptation of Wife sa GMA 7 ang huling ginawa ni Mel pero wala pa siyang bagong ginagawa ngayon.

Bida ng modern family patatali na sa abogado

Ikinasal na ang isa sa mga star ng hit sitcom na Modern Family na si Jesse Tyler Ferguson sa kanyang long-time lawyer boyfriend na si Justin Mikita sa New York City.

Ang kanilang ceremony ay officiated ng playwright and screenwriter na si Tony Kushner.

More than 200 guests ang nasa kanilang ceremony at kabilang ang co-stars siya sa Modern Family na sina Eric Stonestreet, Ty Burrell, at Julie Bowen. Nasa guest list din sina Padma Lakshmi, Zachary Quinto, Nigel Lythgoe (judge ng So You Think You Can Dance) at ang mag-asawang Jerry O’Connell at Rebecca Romijn.

Na-engage sina Jesse at Justin noong September 2012 habang nagbabakasyon sila sa Mexico kasama ang isa pang co-star ni Jesse sa Modern Family na si Sofia Vergara. Tatlong taon na rin silang nagsasama at nagdesisyon na nga silang magpakasal.

Show comments