Drama actress ayaw nang makisawsaw sa ex na may ka-live-in na selosa

Ayaw sanang magbigay ng kanyang reaction ang drama actress sa kanyang naging ex-boyfriend na young actor. Pero hindi ito napigilang mag-react nang sabihin sa kanya na may ka-live-in na ang ex-boyfriend niya na isang non-showbiz girl.

Say ng drama actress, kung iyon daw ang babaeng gusto ng ex-BF niya, tama lang na maging masaya siya para rito.

“Wala naman tayong magagawa pa. I only wish them happiness,” sabay smile pa ng drama actress.

Pero masyado raw selosa ang ka-live-in ng ex-BF ni drama actress kaya pati mga dati nilang mga kaibigan ay hindi na nakakausap o nakikita.

 â€œAy, gano’n ba? Eh ano naman gusto n’yong gawin ko? Wala na akong pakialam sa kanilang dalawa. Nasabi ko na I wish them happiness, ’di ba?” sabay tawa ni drama actress.

 â€œKung ano ang nangyayari sa kanila, sa kanila na iyon. Matagal na akong naka-move on. Buti siya meron na eh ako wala pa. Meron na sana, bigla namang nawala.”

First love ni drama actress ang naturang young actor noong sabay silang nagsimulang mag-artista. Produkto sila ng isang reality show at doon nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

Pero dahil sa mga hindi maiwasan na pangyayari ay nauwi sa paghihiwalay ang dalawa. Notorious playboy din kasi ang young actor at may pagkakataon pang pinagsabay niya si drama actress sa isang mestisang aktres. Noong magkabukingan, pareho silang iniwan ni young actor.

Kaya si drama actress, maingat na sa kung sino ang mamahalin niya. Ayaw niyang maulit ang masamang karanasan ng kanyang first love.

Alessandra masama pa rin ang loob na mas paborito ng kanilang ina si Assunta

Enjoy na enjoy si Alessandra de Rossi sa kanyang pag-host ng Personalan sa GMA News TV. Siya ang pansamantalang pumalit kay Jolina Magdangal na buntis ngayon at magpapahinga muna.

Inamin ni Alex na kinabahan siya noong unang pag-upo niya sa Personalan dahil hindi pa siya sanay sa gano’n kaseryosong programa. Pero ngayon ay gamay na gamay na niya.

“Though minsan hindi ko maiwasan ’yung natatawa ako sa mga problema nila. Pinipigilan ko na kasi kailangang makinig ako at hindi ko gawing katatawanan ang problema nila.

 â€œSometimes gusto kong sumagot din sa mga sagutan nila. Eh hindi ako puwedeng kumampi kahit kanino. Neutral lang dapat ako parati. Pero nakakapagbigay naman ako ng advise lalo na sa mga problemang nakaka-relate ako,” sabi pa ni Alex.

May isang episode nga sa Personalan na muntik na siyang mapaiyak. Ito ay tungkol sa magkapatid na mas paborito ng ina ang isa. Naka-relate si Alex dahil nangyari ang ganyan sa kanila ng kanyang Ate Assunta de Rossi.

 â€œKapag tungkol naman sa magkapatid, relate na relate ako. Pinagdaanan ko kasi ’yan. Kaya medyo may emotional thing sa akin ang ganyan,” sabi ng aktres.

May pelikula nga pala sa Cinemalaya Independent Film Festival si Alex, ang Liars, na idinirek ni Gil Portes. Reunion nila ito ni Direk Gil na idinirek siya sa mga pelikulang Mga Munting Tinig, Homecoming, at Barcelona.

Cory ipina-cremate agad ng ina

Walang naganap na mahabang wake para sa Glee actor na si Cory Monteith dahil noong nakaraang Tuesday, July 16 ay ipina-cremate na ang mga labi nito.

Ginanap ang cremation/funeral sa Vancouver, Canada pagkatapos ng isang private wake na dinaluhan ng pamilya at ng heartbroken girlfriend ni Cory na si Lea Michelle.

Ang hindi invited sa private wake ng aktor ay ang ama nitong si Joe Monteith. Pero na-inform naman siya sa ginanap na cremation.

Matagal na kasing hiwalay ang mga magulang ni Cory.

Ang nag-decide sa private wake at sa cremation ay ang ina ni Cory na si Ann. After ma-release ang body ng aktor sa hospital at ang autopsy report, itinuloy nito agad ang mabilisang wake at cremation.

Parehong hindi makapaniwala ang parents ni Cory na umabot na ang kanilang anak sa paggamit ng he­roin. Ang overdose sa heroin mixed with alcohol ang naging dahilan ng pagkamatay ng 31-year-old actor.

Aware sila sa mga naging struggle nito with drug addiction noong teenager pa lang. Ginawa nga nila ang lahat para mapagamot ito at mapabuti ang takbo ng buhay.

   

 

Show comments