TF ni Gov. Vi mas malaki pa sa budget ng kanyang Ekstra
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - July 16, 2013 - 12:00am

Napakataas ng expectations ng mga indie viewer sa pelikulang ginawa ni Gov. Vilma Santos. Natural lang naman iyon dahil para sa kanila ay napakalaking proyekto ng pelikulang iyan dahil sa pagkaka­sama ni Ate Vi. Ngayon lang siya gumawa ng isang indie, ang Ekstra. I­yon kasing mga artistang kagaya niya na kumikita ang mga mainstream movie na ginagawa, hindi guma­gawa ng mga pelikulang indie.

Iyon nga ang isang dahilan kung bakit hindi makaangat ang mga pelikulang independent sa ating bansa. Una, karamihan sa mga pelikulang iyon, halos lahat ng mga indie noong simula ay kuwento lamang ng mga bakla kasi wala ngang gustong mamuhunan sa mga ganoong pelikula dahil hindi naman kumikita. Maski ang mga mainstream movie noon na ginawa ng mga malala­king director tungkol sa mga bakla ay hindi rin naman kumita.

Ikalawa, iyon nga ang sinasabi ng mga tao. Ang lumalabas na mga artista sa mga in­die film ay mga “has been”, mga “never was” o kaya ay “never will be”. Wala ang ma­la­laking stars na talagang hinahabol ng mga tao. Kaya nga ang pagpasok ni Ate Vi sa isang pelikulang indie, shot in the arm ’yan para sa mga ganoong uri ng pelikula.

Sa kanila ay napakalaking bagay na ’yun. Bagama’t doon naman sa mga sanay sa tunay na pelikula, masasabing ’yan ang pinakama­liit na pelikula ng Star For All Seasons. Isipin ninyo na ang puhunan di­yan ay tatlo’t kalahating milyon lamang. Sa panahong ito, ang isang malaking pelikula ay umaabot na sa P25 milyon ang puhunan. Kahit naman noong araw na mura pa ang pelikula, hindi naman gumawa si Ate Vi ng ganyan kaliit na proyekto. Noong panahong ang isang pelikulang black and white ay natatapos sa halagang P80,000 lamang, ang mga pelikula ni Ate Vi ay halagang P120,000 na ang pinakamaliit.

Kaya nga marami ang nagsasabi na ang kabuuang budget ng pelikula niyang indie ay hindi pa maitatapat sa talagang talent fee niya kung ang gagawin niya ay isang tunay na pelikula.

Kung pagsasamahin mo nga ang talent fee niya sa kanyang TV show lamang noong araw sa loob ng isang buwan, mas malaki pa sa kabuuang budget ng indie film na ginawa niya ngayon eh. Ting­nan natin kung ano ang magiging resulta ng pagpasok niya sa indie scene. Gusto niya ’yan eh kasi nagustuhan niya ang kuwento at gusto niyang maranasan kung paano nga bang gumawa ng low-budget films.

Jackie wala nang pag-asang makapiling ang mga anak

Hindi naman pinanood nina Andrei at Kobe Paras ang video na ini-upload ng nanay nilang si Jackie Forster na humihingi ng kanilang pang-­unawa sa nangyari sa kanilang pamilya.

Ngayong malalaki na ang mga bata at nakagaga­wa na ng sarili nilang desisyon. Mukhang malabo na ang gusto ni Jackie na makuha sila kasi kung ma­liliit pa silang bata, pinapaboran ng batas ang pana­natili nilang kasama ng kanilang ina. 

Female model walang kamalay-malay na ginagamit lang ng baguhang aktor na lalaki rin ang gusto

Walang kamalay-malay ang isang magandang fe­male model na ginagawa lamang siyang cover up ng isang poging newcomer para itago ang kanyang totoong gender preference.

Ang kawawang female model ay mukhang nani­niwalang talagang in love nga sa kanya at in love na in love rin naman siya sa baguhang new actor na mukhang lumalabo na naman ang movie at TV career.

ATE VI INDIE ISANG NAMAN NIYA PELIKULA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with