^

Pang Movies

Mader pinaglilihiman pa: Young actor tunay na lalaki ang gusto

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pati ang mader ng isang young actor, nagdududa sa kanyang anak. Nagtataka kasi ang ina sa kanyang handsome son na wala siyang alam na niligawan o nagka-crush sa isang chick.

Minsan na-confront na niya ang aktor at diretsong tinanong: “Binabae ka ba?” Kahit nag-blush ang artista, tigas naman ang pagtanggi at nagdahilan na naka-focus lang siya sa kanyang trabaho.

Pero ang pogi, madalas pala sa isang massage parlor na pawang mga lalaki ang masahista! Kung pumili pa siya ng magse-service sa kanya, gusto niya hunk at artistahin din ang dating. Walang duda, isa ngang tunay na lalaki… ang hilig!

Relasyon nina Daniel at Kathryn walang malisya

Peks man, walang halong malisya ang relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Basta’t may M.U. (mutual understanding) lang sila na sa isa’t isa lang exclusively nagdi-date.

They simply enjoy each other’s company kaya’t hindi na nila kailangan ang ibang makakasama sa mga lakad, pati sa mga very rare night-out. It is also not simply to make their showbiz tandem stronger. Alam nilang their partnership sa showbiz will last long dahil kapwa nila mahal ang kanilang career.

Pasasaan ba, darating din ’yan sa truly loving each other. Kailan naman kaya? Malay natin, baka bukas na!

Jodi kukuning mukha ng Kasambahay Law

Meron balak ang ating Department of Labor and Employment (DoLE) at ang International Labor Organization (ILO) ng United Nations na si Jodi Sta. Maria ang kuning poster girl ng Kasambahay Law.

Gusto kasi nila mabilis maka-relate sa kanilang target ang gagawing poster na maglalabas ng millions of pesos upang malaman natin lahat na may sapat na proteksiyon na sa batas ang mga dati’y (hang­gang ngayon) inaaping mga domestic helper.

Hindi po dahilan na mukhang katulong si Jodi Sta. Maria. Mabilis kasi ang recall ng kanyang face dahil sa hit TV series na Be Careful With My Heart.

Mother Lily at Marian na-good karma

Malapit na palang ipalabas ang Kung Fu Divas, na ginawa nina Marian Rivera with AiAi delas Alas ng walang permiso kay Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment, Inc., kung saan may pinirmahang exclusive contract ang GMA actress.

Ang sabi naman ng mga involved sa comed­y-fantasy, maayos na ang gusot between Mother Lily and Marian. Kaya siguro kumita na ng husto ang My Lady Boss. Good karma na sa takilya!

Co-producer din pala sa Kung Fu Divas si Marian. Kaya siguro nagbida siya sa project without seeking the permission from the Regal matriarch.

Heart nangungulit sa panalangin na sila na ni Sen. Chiz ang magkatuluyan

Taimtim na nagdarasal si Heart Evangelista na sana si Sen. Chiz Escudero na ang huling lalaki sa buhay niya. Gusto ng aktres na maging forever na ang kanyang affair with the lawmaker who is a future presidentiable.

‘‘Sana nga siya na,’’ paulit-ulit na panalangin ni Heart.

Lovi walang naipakilalang bf sa ina

Lahat pala ng mga nanligaw kay Lovi Poe, hindi man nakalapit sa kanyang mother. Ibig sabihin, kahit isa sa mga nagtangkang maging boyfriend ng sexy actress ay hindi nakilala ng lubusan ng kanyang mahal na ina.

‘‘Strict siya,’’ Lovi confirmed. ‘‘There is always a wall in front of her.’’

Kasing kapal, kasing lapad kaya ng Intramuros wall? Not that formidable naman siguro.

Pridyider inililibot na sa filmfest sa buong mundo

Masaya si Direktor Rico Maria Ilarde na ipinapalabas ang kanyang dinirek sa Prid­yider (starring Andi Eigenmann) sa isang international film festival sa New York, USA.

Maglilibot pa ang Regal film production sa ibang worldwide filmfest kaya’t umaasa ang son ni dating senador at hanggang ngayon ay active broadcaster pa na si Eddie Ilarde na lalawak ang international audience ng mga Pinoy fantastique films.

Robin sinusuntuk-suntok lang ni BB nung bata pa

Noong bata pa si Robin Padilla ay sinusuntok pala ni BB Gandanghari na dating Rustom Padilla.

Ngayon, kahit kurutin, hindi na magagawa ni BB kay Binoe!

ANDI EIGENMANN

BE CAREFUL WITH MY HEART

JODI STA

KANYANG

KASAMBAHAY LAW

KUNG FU DIVAS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with